September 10, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Hinanap ni Sen. Jinggoy: Sandro 'di sumipot sa senate hearing dahil sa kalagayan

Hinanap ni Sen. Jinggoy: Sandro 'di sumipot sa senate hearing dahil sa kalagayan
Photo courtesy: Jinggoy Estrada (IG)/Screenshot from Fast Talk with Boy Abunda (GMA Network)

Kinuwestyon ni Sen. Jinggoy Estrada ang hindi pagdalo sa isinagawang hearing ng Senate Committee on Public Information and Mass Media nitong Miyerkules, Agosto 7, ng Sparkle at GMA Network artist na si Sandro Muhlach, sa pagtalakay nila sa mga polisiya ng TV network at artist management agencies na may kaugnayan sa complaints sa abuse at harassment.

Sa pangunguna ng chair na si Sen. Robinhood "Robin" Padilla kasama pa sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Ramon "Bong" Revilla, at Sen. Joel Villanueva, ang humarap sa senate hearing ay ang tatay ni Sandro na si Niño Muhlach kasama ang legal counsel na si Atty. Czarina Quintanilla-Raz, at si GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group Atty. Annette Gozon-Valdes.

MAKI-BALITA: Niño Muhlach, emosyunal sa senate hearing dahil sa trauma ni Sandro

Hindi rin dumalo sa isinagawang hearing ang dalawang inireklamong GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz, na ayon sa letter of regret na ipinadala sa senado at binasa ni Estrada, ay hindi raw bahagi ng management ng GMA at Sparkle, kaya hindi raw sila ang makapagpapaliwanag ng mga patungkol sa polisiya; itinanggi rin nila ang mga akusasyon laban sa kanila ni Sandro.

Tsika at Intriga

'Marian Rivera,' bet makatrabaho at makausap si Karylle

Mabalik kay Sandro, kinuwestyon ni Sen. Estrada ang hindi pagdalo ni Sandro na kamuntikan nang mapadalhan din ng subpoena, subalit ipinaliwanag ng abogado ng kampo na wala raw sa wastong mental at emotional state ang aktor upang dumalo sa nabanggit na hearing. Nagsagawa umano ang National Bureau of Investigation (NBI) ng psychological assessment kay Sandro kaugnay sa mga nangyari.

Katwiran naman ni Estrada, dapat daw ay nagbigay ng medical certificate ang kampo ni Sandro na magpapatunay na hindi physically at mentally fit ang aktor bilang excuse sa hindi nito pagdalo sa senate hearing. Kung hindi raw mapatutunayan, sa ngalan daw ng pagiging patas ay ipagpapatuloy raw ng senador ang pag-issue ng subpoena kay Sandro.

Sa puntong ito, ipinaliwanag naman ni NBI Public Corruption Division chief Atty. Marie Catherine Nolasco-Illescas na ipinayo mismo ng NBI Behavioral Science Division kay Sandro na limitahan ang exposure upang hindi lumala ang kaniyang kondisyon, bagay na sinusugan naman ni Sen. Bong Revilla na bahagi rin ng senate committee.

Dahil dito, binawi ni Estrada ang balak na padalhan ng subpoena si Sandro dahil sa pagliban nito sa nabanggit na senate hearing.

Segunda pa ni Revilla, ang dapat daw kuwestyunin kung bakit wala sa hearing ay sina Nones at Cruz na kailangang sagutin ang mga tanong nila.

MAKI-BALITA: Dalawang inireklamo ni Sandro sinuspinde na; 'di sumipot sa senate hearing