September 13, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Niño Muhlach, emosyunal sa senate hearing dahil sa trauma ni Sandro

Niño Muhlach, emosyunal sa senate hearing dahil sa trauma ni Sandro
Photo courtesy: Sandro Muhlach (IG)/via PEP

Hindi naiwasan ng dating child star at aktor na si Niño Muhlach na mapaiyak nang magkuwento na siya kung ano ang traumang inabot ng anak na si Sandro Muhlach matapos ang pinagdaanan umanong "sexual harassment" sa dalawang inireklamong GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz, pagkatapos ng GMA Gala 2024 noong katapusan ng Hulyo.

Sa isinagawang hearing ng Senate Committee on Public Information and Mass Media na pinamumunuan ng aktor-senador na si Sen. Robinhood "Robin" Padilla, sinabi ni Onin na sobrang nasaktan siya bilang magulang nang isalaysay sa kaniya ni Sandro ang mga naganap sa hotel room ng pinuntahang dalawang GMA independent contractors.

Paglalarawan ni Onin ay nanginginig daw si Sandro nang magkuwento sa kaniya nang mga nangyari.

"Kaya talaga ako nasaktan no'ng ikinuwento niya sa akin 'yong nangyari. Kasi para makita mo ‘yong anak mo na nanginginig at hindi niya halos mahawakan ‘yong telepono niya no'ng ikinukwento niya sa akin 'yong ginawa sa kaniya."

Tsika at Intriga

Ai Ai, binatikos dahil sa pakikisawsaw sa isyu ng mag-inang Carlos, Angelica

Una raw nagkuwento ang panganay sa bunsong kapatid na si Alonzo Muhlach.

Sabi raw ni Sandro, sana raw ay huwag matulad sa kaniya ang kapatid, lalo't nasa showbiz na rin kasi ang anak na unang napanood bilang contestant ng "Your Face Sounds Familiar: kids edition sa ABS-CBN.

"Sabi sa akin ni Alonzo, sinabihan daw siya ng kuya niya na, ‘Bro, sana huwag mangyari sa iyo ‘yong nangyari sa akin," kuwento ni Niño.

Bagama't nakapag-usap na raw sila ng dalawang inirereklamo, kailangan daw pagbayarin ng dalawa ang kanilang kasalanan sa anak. Kasama raw nila sa naganap na pulong si GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group Atty. Annette Gozon-Valdes, na dumalo rin sa senate hearing.

“Ako tao lang ako eh. Diyos nga na marunong mag patawad. Kaya ko kayo patawarin pero kailangan pagbayaran n'yo ‘yong ginawa n'yo,” anang Onin.

Hindi dumalo sa nabanggit na senate hearing ang mga inirereklamo maging si Sandro.

MAKI-BALITA: Baguhang aktor, pinagsamantalahan ng dalawang TV executives?

MAKI-BALITA: Sandro Muhlach, diring-diri sa ginawa ng GMA independent contractors

MAKI-BALITA: Sandro Muhlach, nagsampa ng kaso vs GMA independent contractors