September 10, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Dalawang inireklamo ni Sandro sinuspinde na; 'di sumipot sa senate hearing

Dalawang inireklamo ni Sandro sinuspinde na; 'di sumipot sa senate hearing
Photo courtesy: via PEP/Screenshot from Fast Talk with Boy Abunda via GMA Network

Hindi dumalo sa isinagawang hearing ng Senate Committee on Public Information and Mass Media nitong Miyerkules, Agosto 7, ang dalawang GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz na inireklamo ng sexual harassment ni Sparkle artist Sandro Muhlach, anak ng beteranong aktor na si Niño Muhlach.

Sa pangunguna ng chair na si Sen. Robinhood "Robin" Padilla kasama pa sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Ramon "Bong" Revilla, at Sen. Joel Villanueva, humarap sa senate hearing si Niño kasama ang legal counsel ni Sandro na si Atty. Czarina Quintanilla-Raz, at si GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group Atty. Annette Gozon-Valdes.

Iginiit ni Atty. Gozon-Valdes na pinatawan na ng preventive suspension sina Nones at Cruz at nagsasagawa rin sila ng sariling imbestigasyon sa mga nangyari.

“We immediately issued a preventive suspension order to the two being accused of Mr. Sandro Muhlach. Now we are waiting for their reply because, of course, we follow the procedures of due process,” aniya.

Tsika at Intriga

Francine bigla raw nawala sa line-up ng performers ng Marcos 107 free concert

Ipinaliwanag din ng GMA executive na kahit hindi regular na empleyado ng Kapuso Network ang dalawa, sakop pa rin sila ng polisiya ng kanilang Human Resources, lalo na sa usapin ng paglabag sa kanilang Code of Conduct.

“Despite the fact that they are independent contractors, we can still take jurisdiction over the HR complaint filed by Mr. Sandro Muhlach and we can still apply our Code of Conduct to this case."

Ipinagdiinan din ni Atty. Annette na hindi tinotolerate ng GMA ang anumang porma, anyo, o akto ng sexual abuse o harassment, kaya nangako sila sa komite na makikipagtulungan sila upang manaig ang katotohanan at mabigyan ng hustisya ang nararapat na mabigyan nito.

Samantala, hindi naman sumipot sa nabanggit na senate hearing ang dalawang GMA independent contractors. Ayon sa ipinadalang "letter of regret" na binasa ni Estrada, iginiit ng kampo ng dalawa na hindi raw sila bahagi ng GMA management o Sparkle at hindi raw sila ang makapagpapaliwanag patungkol sa ipinatutupad na polisiya ng network sa kung paano nila hina-handle ang complaints patungkol sa abuse at harassment.

Itinanggi rin ng dalawa ang mga paratang sa kanila.

"At the onset, we deny all accusations against us. We hope this honorable committee will respect our decision not to attend this hearing,” nakasaad daw sa kanilang letter of regret.

Ayon sa ulat ng GMA News, nagpadala na raw ng subpoena ang National Bureau of Investigation (NBI) sa dalawa para dumalo sa kanilang imbestigasyon.

Samantala, naging emosyunal naman ang ama ni Sandro na si Niño Muhlach nang ikuwento niya ang mga naisalaysay naman sa kaniya ng anak, sa kung ano ang nangyari sa kaniya sa kamay ng mga inireklamo. 

MAKI-BALITA: Niño Muhlach, emosyunal sa senate hearing dahil sa trauma ni Sandro

MAKI-BALITA: Sandro Muhlach, nagsampa ng kaso vs GMA independent contractors