December 23, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

'Napanganga na lang!' Rabiya, nilamutak ni Alden

'Napanganga na lang!' Rabiya, nilamutak ni Alden
Photo courtesy: GMA Network (FB)

Hindi makapaniwala ang fans ng Kapuso artists na sina Rabiya Mateo at Alden Richards sa medyo "mainit" nilang eksena sa historical drama series na "Pulang Araw" na patungkol sa era ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas.

Mismong GMA Network ang nag-flex ng "maalab" na eksena ng mga karakter nina Rabiya at Alden sa nabanggit na serye.

"Nagkatinginan lang kanina, ganito na agad! Kay bilis naman ng mga pangyayari! #PulangAraw #PulangArawPangako," mababasa sa caption.

Shookt naman ang mga netizen dahil parang di raw sila sanay na ganoon ang nakita nila sa dalawa, at in fairness, parang ngayon lang yata nagsama sa isang proyekto ang dalawang Kapuso artists.

Teleserye

Netizens windang sa 'Wish Ko Lang' dahil sa 'ipinagbabawal na bibingka'

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Jeric anong masasabi mo hahaha."

"Dapat pala nakanganga hahaha."

"Hindi aq sanay panuorin na ganyan ka Alden! Parang may Mali! Ba't may ganitong eksena? Hango pa nmn sa nakaraan tapos may mga ganito na!"

"Ganiyan din kami sa inuman makuha na sa tingin sabay sabing kunwari iihi ka sasabay ako HAHAHAHAHA"

"Nilamutak naman ni Alden si Ibyang hahaha."

"Naku Ibyang!! Sana ol.. Dati pangarap lng ngayon ka scene na. . Magkahawig kau n Sanya kaya mga gustohan n Tisoy yan. "

"Kailangan talaga naka nga-nga pa? HAHAHAHA."

"May makakati n pla noon araw ung tipong may asawa na nakuha pa lumandi."