October 06, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Problematic si Mudra?' Mga nanay na nakahidwaan kanilang anak na celebrity

'Problematic si Mudra?' Mga nanay na nakahidwaan kanilang anak na celebrity
MULA SA KALIWA. Angelica Yulo, Divina Geronimo, Raquel Pempengco, Sharon Cuneta, Annabelle Rama at Inday Barretto (file photo)

Sa gitna ng pagdiriwang ng buong Pilipinas sa pagkapanalo ni Pinoy gymnast Carlos Yulo ng dalawang gintong medalya sa Paris Olympics, umusbong din ang intriga tungkol sa alitan umano nila ng kaniyang ina.

Matapos manalo ni Caloy sa Olympics, naging usap-usapan ang mga nagdaang post ng kaniyang inang si Angelica Yulo kung saan hindi umano niya suportado ang kaniyang anak at ang Japan pa ang tahasang chini-cheer nito sa kaniyang Facebook post. 

Unang lumabas na umano’y pinag-ugatan ng kanilang away ay ang usapin ng pera. Ayon kay Angelica, inaakasuhan umano siyang winaldas ang pera ni Caloy para sa kaniyang luho. Itinanggi naman ng ina ang naturang akusasyon at willing daw siyang maglabas ng mga ebidensyang mayroon siya.

BASAHIN: Madir ni Carlos Yulo ninakaw, nilustay, at winaldas pera ng anak?

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Pasabog pa ng ina ni Caloy, ang pinagmulan ng samaan nila ng loob ng kaniyang anak ay ang jowa nitong si Chloe San Jose. Nilalayo raw ni Chloe si Caloy sa kanila.

BASAHIN: Pasabog! Ermat ni Carlos Yulo, sinisisi ang jowa ng anak kaya nagkagalit sila?

Sa gitna ng intrigang ito, balikan at alamin kung sino-sinong mga ina ang naging usap-usapan matapos nilang makaalitan umano ang kanilang celebrity na anak.

Divina Geronimo o Mommy Divine 

Si Mommy Divine ang ina ni Pop Star Royalty Sarah Geronimo. 

Umugong umano ang conflict nina Mommy Divine at Sarah dahil sa secret wedding ng singer kay Matteo Guidicelli noong February 20, 2020. Kasabay nito ay lumantad din ang speculations na hindi boto si Mommy Divine kay Matteo para kay Sarah. 

Matapos ang naturang secret wedding ay naging isyu rin ang umano’y pagsugod ni Mommy Divine sa simbahan at naitampok pa ito sa "Raffy Tulfo in Action.” 

Makalipas naman ang dalawang taon, 2022, buong pagpapakumbabang nag-public apology si Sarah sa kaniyang mga magulang.

BASAHIN: Sarah Geronimo, nag-public apology sa mga magulang matapos ang dalawang taon

Sa kabila naman ng kanilang alitan, naging usapin din ang pagbati ng popstar royalty kay Mommy Divine ng Mother’s Day noong 2023, at ang kaniyang mensaheng: “Happy Mother’s day po mama. Walang hanggan po na pasasalamat para sa walang katumbas na pag-aaruga at pagmamahal.”

Hanggang sa nito lamang Marso 2024 nang masayang i-share ni Sarah sa panayam ng ABS-CBN News na sa wakas ay nag-reconcile na sila ni Mommy Divine.

"Yes, yes, thank you, Lord… Shoutout to my mother, Mommy Divine Geronimo, you are the best, you are my hero, I love you very much. I mean, I cannot imagine myself being a mother, all the sacrifices that a mother has to do for their child, it's mind-blowing,” sey ni Sarah.

Raquel Pempengco o Mommy Raquel

Si Mommy Raquel ang ina ni international singing sensation Jake Zyrus, mas kilala noon bilang Charice Pempengco.

Taong 2022 nang mapabalita ang hindi pagkakaunawaan ng mag-ina matapos sunod-sunod na mag-post sa social media si Mommy Raquel na sana raw ay umuwi man lamang ng Pilipinas si Jake mula sa Amerika matapos daw pumanaw ng mga panahong iyon ang ilan sa kanilang mga kaanak. Hind raw kasi nagpaabot ng tulong-pinansyal si Jake para sa pagpapalibing ng mga yumaong kamag-anak sa kasagsagan ng pandemya.

BASAHIN: Jake Zyrus, wala raw paramdam? Raquel Pempengco, humingi ng tulong para sa namatay na nanay, kapatid

Sa gitna ng mga intriga sa pagitan nila ng kaniyang ina, nito lamang namang New Year 2024 nang mag-post si Jake sa kaniyang Instagram account na nagsasabing kinakalimutan na niya ang mga tsismis na ibinabato sa kaniya sa nagdaang mga taon.

BASAHIN: Babu sa mga intriga noong 2023: Jake Zyrus, inangkin ang 2024

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring update kung nagkaayos na ba sina Jake at Mommy Raquel.

Sharon Cuneta

Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko ang sabi nga nilang on-and-off relationship nina Megastar Sharon Cuneta at anak niyang si KC Concepcion kay Gabby Concepcion.

Mula pa man noong 2015, aminado na si Shawie na hindi umano sila magkasundo ni KC. 

Dahilan ng conflict? Dahil daw sa pagkakaiba nilang dalawa. At dahil nasa right age na raw si KC, tila nasobrahan daw ang pagiging independent nito at hindi na siya nilalapitan para humingi ng advice sa kaniya sa kahit anong aspeto ng buhay nito. Kahit tungkol sa love life, hindi raw nag-o-open si KC. Sey ni Shawie, mahal na mahal niya si KC pero magkaiba raw silang dalawa sa maraming ways.

Bukod dito, inaakusahan pa si Sharon na may “favoritism” sa kaniyang mga anak, kagaya na lamang ng mas pagiging malapit niya kay Frankie Pangilinan na panganay na anak nila ni Atty. Kiko Pangilinan. 

Noong Setyembre 2023 nang i-open ni KC sa panayam sa kaniya ni Ogie Diaz na napakahirap magkaroon ng “blended family.”  May sariling pamilya na kasi ang magulang niyang sina Shawie at Gabby. Pakiramdam daw ni KC ay tila "naiwan siya sa gitna." Sinabi pa ni KC na maayos din umano ang ugnayan nila ng pamilya ni Gabby at pamilya ni Shawie, bagama't aminado siyang kahit may mga bagay silang pinagkakapareho ng ina, may mga bagay rin silang pinagkakaiba.

BASAHIN: Dahil sa blended family: KC, minsan ramdam daw ang pag-iisa

Pero tila naging masaya naman ang mag-ina nang magkaroon sila ng mistulang family reunion sa “Dear Heart” concert nina Gabby at Mega noong October 2023. Parang one “happy family” ang tatlo nang magsama sa iisang stage at naging emosyunal ang mag-ina habang magkasamang kumakanta.

BASAHIN: 'Family reunion?' Sharon, KC, Gabby nagsama sa iisang stage

Samantala, muling na-open ang issue ng mag-ina nang hindi dumalo si KC sa premiere night pelikula niyang Family of Two (A Mother and Son Story) noong Disyembre 2023. Sinabi pa ni Shawie na in-invite niya si KC doon pero hindi raw ito nag-reply sa kaniyang text. Bukod pa rito ang eksena ng paglagay ni Sharon ng empty seat para kay KC noong nakaraang Christmas eve pero kay Gabby ito naki-noche buena.

BASAHIN: KC, Gabby inisnab premiere night ng pelikula ni Sharon?

BASAHIN: Sharon may pa- 'empty seat' para kay KC pero kay Gabby nag-noche buena

This May 2024 lang din nang aminin ni Shawie na meron nga silang problema ni KC at sa puntong ito ay dahil daw sila ay “estranged” na sa isa’t isa. Very hurt din umano si Shawie dahil dito pero may mga bagay raw na sa kanila na lang at ayaw na niyang i-share pa sa public.

Annabelle Rama

Sina Annabelle Rama at anak niyang si Ruffa Gutierrez ang isa rin sa mga napag-usapang mag-ina sa mundo ng showbiz na nagkaroon ng alitan o away-bati moments.

Tila hindi umano kasi nagugustuhan ni Annabelle ang mga nakakarelasyon ni Ruffa. 

Halimbawa, naging usap-usapan noong 2015 ang pagiging tutol umano ni Annabelle sa naging boyfriend nitong si Jordan Mouyal. Sa panahong iyon ay talagang kahit nakikipag-ayos na umano sa kaniya si Ruffa at nagiging emosyunal na ito ay hindi ito nakipag-reconcile dahil naninindigan siyang iniisip lang niya ang kapakanan ng kaniyang unica hija.

Noong 2023 ay inamin din ni Ruffa na lagi raw talaga siyang pinapagalitan ng ina dahil hindi umano siya marunong pumili ng lalaki. Pero kahit nagkakatampuhan daw sila ay palagi pa ring nangingibabaw ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Sa ngayon ay tila okay naman na ang relasyon nina Annabelle at Ruffa. Katunayan, shinare rin ni Ruffa noon lamang nakaraang buwan na naa-appreciate ng kaniyang ina ang karelasyon niya ngayon na si dating Quezon City mayor Herbert Bautista. Sinabi rin ni Annabelle na matanda na raw si Ruffa para pakialaman ang kaniyang buhay.

BASAHIN: Herbert Bautista, pasado ba kay Annabelle Rama?

Inday Barretto

Si Inday Barretto ang ina nina Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto. 

Naging usap-usapan ang naging alitan ni Inday at kaniyang anak na si Gretchen noong 2013. 

Nagsimula ang away nila noong Abril 2013 nang magkasamang inalmahan nina Gretchen at Marjorie ang isa raw anonymous basher ng noo’y nagsisimula pa lang sa Star Magic na si Julia Barretto, anak ni Marjorie. Parang kilala naman daw nina Gretchen at Marjorie kung sino ang nasabing basher at sinabi pa ni Gretchen na tila related daw ito kay Julia.

Sey pa noon ni Gretchen, nagbabala raw ang basher na kapag pumasok sa Star Magic si Julia, gagawin niya ang lahat para masira ito dahil gusto umano niyang siya ang maging “teleserye princess” habambuhay. Naging usap-usapan ito at paniwala nga ng netizens, si Claudine umano ang tinutukoy nilang basher.

Napasok naman sa alitan ang ina nilang si Inday nang maglabas ito ng open letter sa kolum ng namayapang batikang showbiz reporter Ricky Lo para kay Gretchen noong Abril 2013, kung saan kinampihan daw niya si Claudine.

“You are a liar, Gretchen. Many of your preys will attest to that soon. That is the style that you use when you want to play with other people’s lives!” saad umano mismo ng matriyarka ng mga Barretto sa unang bahagi ng sulat. 

Patutsada pa niya kay Gretchen sa pangwakas na bahagi ng sulat: “I am letting go of a child now who never wanted me in order to save one who has always been there for all, and with all of her love, Claudine!”

Hindi pa natapos ang alitan sa puntong iyon dahil noong Enero 2014, naging usap-usapan din ang plano nina Inday at Claudine na kasuhan si Gretchen.

Ilang araw pagkatapos nito, emosyunal na ibinahagi naman ni Gretchen sa “The Buzz” ang tungkol sa sigalot ng kaniyang pamilya at sinabing: “I don’t know how to feel anymore when you say nanay, tatay… Hindi ko alam ‘yung pakiramdam na kung masakit ang tiyan mo or ulo mo, or may problema ka, meron kang matatakbuhang nanay na yayakap sa ‘yo, na ‘It’s okay, I’m here for you’.”

Taong 2019 naman nang magkaayos daw ang dalawa matapos mag-post ni Gretchen ng video kasama si Inday sa gitna ng lamay ng namayapa niyang ama.

 "This was a lovely, precious moment , it was about forgiveness, love & a promise to protect our new found mother / daughter relationship. It was a great opportunity to mend all the nasty words thrown to each other," saad ni Gretchen.