October 06, 2024

Home SPORTS

Vice Ganda, ililibre si Carlos Yulo sa comedy club niya

Vice Ganda, ililibre si Carlos Yulo sa comedy club niya
Photo Courtesy: Vice Ganda (FB), Carlos Yulo (IG)

Nagpaabot ng pagbati si Unkabogable star Vice Ganda kay Filipino gymnast Carlos Yulo matapos nitong magwagi ng gintong medalya sa Paris Olympics 2024 sa floor exercises sa men's artistic gymnastics.

Sa Facebook post ni Vice Ganda noong Sabado ng gabi, Agosto 3, pinasalamatan niya si Yulo dahil sa karangalang ibinigay nito sa Pilipinas.

“Congratulations Carlos Yulo for bagging the Gold in Men’s Floor Exercise!!!!!! Maraming salamat sa karangalang binigay mo sa Pilipinas!” saad ng Unkabogable star.

Dagdag pa niya: “Pag-uwi mo dumeretso ka sa Vice Comedy Club libre ka na sa entrance may kasama pang nachos at bottomless iced tea! Chozzzz!!!!”

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Samantala, inanunsyo naman ng Megaworld Corporation sa kanilang opisyal na Facebook account.na makakatanggap umano si Yulo ng bagong condominium unit na nagkakahalaga ng ₱24 milyon.

MAKI-BALITA: ₱24M na condo sa BGC, naghihintay na kay Carlos Yulo