September 13, 2024

Home SPORTS

₱24M na condo sa BGC, naghihintay na kay Carlos Yulo

₱24M na condo sa BGC, naghihintay na kay Carlos Yulo
Photo courtesy: MB/Megaworld Corporation (FB)

Matapos magwagi ng gintong medalya sa Paris Olympics 2024 sa floor exercises sa men's artistic gymnastics, mag-uuwi ng isang bagong condominium unit si Filipino gymnast Carlos Yulo na nagkakahalagang ₱24 milyon.

Inanunsyo na ito ng Megaworld Corporation sa kanilang opisyal na Facebook account.

"IT'S A GOLD FOR THE PHILIPPINES! Congratulations Carlos Yulo! Welcome to your McKinley Hill home!" anila.

Ang makukuhang condo unit ni Yulo ay fully furnished 2-bedroom condo unit sa McKinley Hill. Bago pa manalo ni Yulo ay nag-anunsyo na ang Megaworld na magbibigay sila ng premyo sa sinumang makasusungkit ng gintong medalya sa nagaganap na Olympics, noong Huwebes, Agosto 1.

Sen. Pia Cayetano umalma sa bagong polisiya ng UAAP; labag daw sa batas?

“This 2024, we are celebrating our 100th year of participating in the Olympic Games, and what a way to celebrate this milestone than by recognizing the superb competitive spirit of our newest Olympic gold medalist and welcoming them to McKinley Hill," pahayag ni Megaworld president Lourdes T. Gutierrez-Alfonso.

"As one of the most celebrated addresses in Fort Bonifacio, McKinley Hill is home to several world-class athletes, including members of the Philippine national teams for basketball and football. This makes it a perfect home for Filipino champions who live a life of passion and excellence through and through,” dagdag pa niya.