May 25, 2026

Home SPORTS

Pinoy mountaineer, naabot tuktok ng pinakamataas na bundok sa Europa

Pinoy mountaineer, naabot tuktok ng pinakamataas na bundok sa Europa
Photo courtesy: Miguel Mapalad (IG)

Proud na iwinagayway ng Filipino mountaineer na si Miguel Mapalad ang watawat ng Pilipinas sa taluktok ng Mt. Elbrus sa Russia, na itinuturing na “highest peak” sa Europa. 

Sa Instagram update ni Mapalad noong Linggo, Mayo 24, ibinahagi niya ang ilang kuha ng kanilang pag-akyat sa nagyeyelong bulkan. 

Aniya, bagama’t maituturing na matinding laban ang bawat yapak sa makapal na yelo ng Mt. Elbrus, hindi niya naisip sumuko, kaya proud niyang inirepresenta ang Pilipinas pag-akyat sa tuktok nito. 

“Every step on that ice and snow was a battle, but giving up wasn't an option. Proud to hoist the Philippine flag on the highest peak in Europe,” saad ni Mapalad sa kaniyang caption. 

“The climb is tough, but the summit is real. On to the next one,” dagdag pa niya. 

Mga atletang makakasungkit ng medalya sa Palarong Pambansa, may cash incentives na!—PBBM

Matatandaang inakyat din ni Mapalad ang Mt. Everest sa Nepal kasama ang isa pang Pinoy na si Elaine Jhon "Jeno" Panganiban noong Mayo 2025. 

"Congratulations to both climbers on this incredible achievement, and thank you for choosing Seven Summit Treks to be a part of your Everest dream," pagkilala ng  “Seven Summit Treks” na isang official mountaineering company sa Nepal. 

MAKI-BALITA: Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest