June 02, 2026

Home BALITA Probinsya

Mga nasawi sa pagguho sa Pampanga, umakyat na sa 20!

Mga nasawi sa pagguho sa Pampanga, umakyat na sa 20!
Photo courtesy: Angeles City Information Office (FB)

Pumalo na sa 20 ang mga naitalang nasawi mula sa pagguho ng isang nine-storey concrete building sa Balibago, Angeles City, Pampanga, ngayong Martes, Hunyo 2. 

Ayon sa Angeles City local government unit (LGU), ang ika-18 at 19 na mga bangkay ay nakuha mula sa mga guho bandang 1:17 ng hapon habang ang ika-20 ay bandang 1:19 ng hapon. 

Tiniyak ng LGU na agad isinagawa ng City Health Office ang tamang proseso ng retrieval, tagging, at Disaster Victim Identification (DVI) sa mga narekober na mga bangkay. 

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang search, rescue, at retrieval ng mga awtoridad kasabay ang clearing operations, sa pangunguna ng Unified Command. 

Maingat na ring inaalis ng responders ang mga guho habang pinalalawak ang access sa iba pang bahagi ng gumuhong gusali upang matukoy at marating pa ng mga ito ang mga posibleng naiwan na biktima sa loob. 

Probinsya

Hiker na nahulog sa Mt. Apo dahil sa selfie, ligtas na!

Ang Unified Command ay nananatiling nakaalerto at nagpapatuloy sa kanilang 24/7 operations sa kabila ng pabago-bagong panahon at maselang kalagayan ng pagguho. 

KAUGNAY NA BALITA: 9-storey building sa Pampanga, gumuho; ‘rescue and retrieval,’ masusing isinasagawa