Sa modernong panahon, hindi maikakailang marami pa ring mga indibidwal ang naniniwala sa suwerte at tadhana.
May mga naniniwala sa pamahiin, o kaya naman ay sa galaw ng “celestial bodies.”
Pinakatanyag na halimbawa na lamang ay ang horoscopes at zodiac signs.
Pero maging ang mga petsa sa kalendaryo, kinakaladlad na rin sa mga ganitong paniniwala!
Isa rin kasi sa mga pinaniniwalaang suwerte ay ang palindrome dates.
Ano nga ba ang palindrome dates?
Batay sa pakahulugang mababasa sa Encyclopedia Britannica, ang palindrome ay mga salita, numero, pangungusap, o kaya naman ay mga berso na pareho lamang ang basa “forward” man o “backward.”
Ilan lamang sa mga halimbawa nito ay ang mga salitang “civic,” “madam,” “radar,” at “diefied.”
Sa mga numero naman, nariyan ang 1991, 1881, at 2002.
Samakatuwid, ang palindrome dates ay mga petsang kung babasahin pa-forward o backward, ay pareho lamang ang basa.
Halimbawa na lamang ay ang petsa ngayong araw ng Lunes, Hunyo 2, 2026.
Kung inunumero, ito ay lababas na 6/2/26.
Paano nga ba ito naging suwerte?
Ayon sa pahinang “Medium,” ang palindrome dates (o times) ay maituturing na “culturally significant.”
Halimbawa na lamang ang 11:11, na siyang madalas na hinihintay ng mga tao upang humiling.
Sa usapin ng kasalan, madalas din daw itong gamitin dahil may dala raw itong “good fortune,” maliban sa pagiging “unique” nito sa invitation.
Batay naman sa Women&Home, bihira daw sumapit ang palindrome dates.
Nagpapakita rin daw ito ng “symmetry” at “harmony,” na siyang pinaniniwalaan din ng mathematicians at spiritual believers.
“From mathematicians to spiritual believers, many people think that palindrome day are lucky and the symmetry of the date can bring good fortune to people who make big decisions or changes in their life,” mababasa sa artikulo.
Hindi naman sikretong may mga naniniwala talaga sa palindromes bilang gabay sa mga desisyon at suwerte sa buhay—ngunit pakatandaang ang tunay na suwerte ay nasa kamay ng bawat isa, na siyang nagiging posible dahil sa kasipagan at dedikasyon.