September 22, 2024

Home SPORTS

Lifetime free buffet, ipinagkaloob kay Carlos Yulo

Lifetime free buffet, ipinagkaloob kay Carlos Yulo
Carlos Yulo (AP via MB)

“Free buffet for life para sa ating Olympic gold medalist!”

Inanunsyo ng Vikings Luxury Buffet restaurant na pinagkakalooban nila ng lifetime free buffet si Carlos Yulo matapos ang makasaysayang pagkapanalo nito ng gintong medalya sa Paris Olympics 2024.

Matatandaang nitong Sabado, Agosto 3, nang magbunyi ang mga Pilipino matapos masungkit ni Yulo ang kauna-unahang ginto sa 2024 Paris Olympics nang manguna siya sa floor exercise ng men's artistic gymnastics sa puntos na 15.000.

“Congratulations Carlos Yulo! Mabuhay ka!,” pagbati ng Vikings sa kanilang Facebook post.

Rebisco, DepEd nagkasundo sa pagbuo ng volleyball program katuwang ang Creamline

“Enjoy your lifetime free buffet from Vikings!” dagdag pa.

Si Yulo ang ikalawang Pilipinong nakapagkamit ng gintong medalya sa kasaysayan ng Olympics, una si Hidilyn Diaz na nanalo sa weightlifting noong 2020 Tokyo Olympics.

Samantala, bukod sa libreng buffet sa lahat ng branches ng Vikings, matatandaan namang inihayag din ng House of Representatives na pagkakalooban nila ng ₱3 milyon si Yulo bilang pagkilala sa kaniyang naging makasaysayang tagumpay.

MAKI-BALITA: Carlos Yulo, makatatanggap ng P3M mula sa Kamara