November 24, 2024

Home BALITA Probinsya

6 na indibidwal, timbog sa ₱1.3M halaga ng 'shabu'

6 na indibidwal, timbog sa ₱1.3M halaga ng 'shabu'

Timbog sa isinagawang buy-bust operation ang anim na indibidwal dahil sa ₱1.3 milyong halaga ng iligal na droga.

Nitong Agosto 1, naaresto ng operatiba ng Macabalat City Police si alyas 'Jun,' 42, sa isinagawang operasyon sa Barangay Dau. 

Nasamsam sa kaniya ang 15 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang ₱102,000.

Sa Barangay Del Carmen, San Fernando naman, nahuli sina alyas 'Den,' 50; at alyas 'Nel,' 29.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nahulihan sila ng 80 gramo ng umano'y shabu na may halagang lagpas kalahating milyon, ₱520,000.

Sa Bulacan naman, naaresto ang tatlong indibidwal.

Naaresto ng Guiguinto Municpal Police si alyas 'Joshua,' 21, sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Tuktukan. 

Nakuha sa kaniya ang umano'y shabu na may halagang ₱480,000.

Sa Bocaue naman, timbog sina alyas 'DJ,' 22; at alyas 'Sunshine,' 20 nang magsagawa ng operasyon ang pulisya sa McArthur Highway, Barangay Lolomboy. 

Nakuha sa kanila ang pinaghihinalaang shabu na may halang ₱270,000.