September 18, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Mga susunod na leading lady ni Coco Martin, pinag-iingat na!

Mga susunod na leading lady ni Coco Martin, pinag-iingat na!
Photo courtesy: FPJ's Batang Quiapo (FB)/@kweendum (X)

Laugh trip ang mga netizen sa napagtanto nila sa mga nagiging leading lady ni Coco Martin sa kaniyang mga kinabilangang serye gaya ng "FPJ's Ang Probinsyano" at ngayon nga'y "FPJ's Batang Quiapo."

Pansin kasi ng mga netizen na simula raw sa Probinsyano hanggang sa Batang Quiapo ay laging "namamatayan" ng leading lady si Coco. Hindi naman sa totoong buhay, kundi laging natotodas agad ang mga leading lady niya.

Magmula raw kay Bela Padilla at Yassi Pressman sa Probinsyano hanggang kay Lovi Poe at ang latest ay si Ivana Alawi rito sa Batang Quiapo ay namatay rin ang mga karakter nila.

Kaya babala ng mga netizen, mukhang mapanganib daw na maging leading lady ni Coco dahil "Biyaheng Langit" agad ito at tila hindi nagtatagal.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Nagpaalam na nga si Ivana sa Batang Quiapo matapos tuluyan ang karakter niyang si "Bubbles," na nakakuha ng higit 600k views sa YouTube; nawasak nito ang sariling record ng serye.

MAKI-BALITA: Ivana Alawi, tinuluyan na sa Batang Quiapo