September 09, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Atasha Muhlach, nabuntis daw ni Mayor Vico Sotto?

Atasha Muhlach, nabuntis daw ni Mayor Vico Sotto?
Photo courtesy: Atasha Muhlach (IG)/via Tempo

Tinalakay ni showbiz insider Ogie Diaz sa July 31 episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update" ang mga kung ano-anong tsika at intrigang ibinabalita ng mga kung sino-sinong vlogger patungkol kina Atasha Muhlach at Pasig City Mayor Vico Sotto.

May mga vlogger daw kasi na nagbabalitang kesyo nabuntis daw ni Mayor Vico si Atasha, at may bersyon pang niregaluhan daw ng singsing ng alkalde ang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales at handa na siyang pakasalan. Sinasabi pa raw sa napanood na vlog ni Ogie na botong-boto raw si Aga para kay Vico para kay Atasha.

Personally daw ay nakausap ni Ogie si Atasha sa sitcom na kinabibilangan nito sa TV5, at nilinaw ng actress-TV host na pati siya ay nagtataka kung saan nanggagaling ang mga kuwentong pinapakalat patungkol sa kanila ni Mayor Vico. Unang-una raw, ni hindi pa nga raw sila nagkikita nang personal ni Mayor Vico bagama't ang tatay nitong si Vic Sotto ay kasamahan niya bilang Dabarkads sa "Eat Bulaga" sa TV5. Ang nakakaharap pa lang daw niya ay sina Oyo Boy Sotto at misis nitong si Kristine Hermosa, gayundin ang kapatid ni Oyo na si Danica Sotto.

Sa huli, pinagdiinan ni Ogie na ang mga ipinapakalat ng vloggers ay fake news.

Tsika at Intriga

Sofia keber kung ma-link si Kathryn kay Alden: 'Bahala siya, matanda na siya!'

"Wala nga silang sources, wala silang pinagkuhanan ng balita, kaya huwag na huwag kayong maniniwala diyan ha," babala pa ni Ogie.

Pero kung tutuusin, kung pareho namang single sina Atasha at Mayor Vico, wala naman daw sanang magiging problema, pero ang problema nga, hindi naman totoo at ni hindi pa nga sila nagkakaharap nang personalan, nakakaloka!

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Mayor Vico patungkol sa isyung ito.