September 09, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sandro Muhlach, dinagsa ng simpatya at suporta

Sandro Muhlach, dinagsa ng simpatya at suporta
Photo Courtesy: Sandro Muhlach (IG)

Maraming netizens ang naghayag ng kani-kanilang suporta at simpatya para sa Kapuso Sparkle artist na si Sandro Muhlach.

Kapag binista ang mga recent Instagram post ni Sandro, makikita sa comment section na tila pinapatatag ng mga netizen ang loob ng aktor sa pinagdadaanan nito ngayon. Narito ang ilan sa kanilang komento:

"praying for justice huhu"

"Sandro, sampahan niyo ng kaso ang nag-SA sayo na executive ng GMA Network! Nasa likod mo kami!"

Tsika at Intriga

Sofia keber kung ma-link si Kathryn kay Alden: 'Bahala siya, matanda na siya!'

"Praying and hoping for JUSTICE boss @sandromuhlach God hears your cry and he will punish those who violated you. "

"Sana okay kalang Kuga Sandrrroo!! @sandromuhlach "

"Praying for justice for you! You are enough you will receive justice"

"Huwag ka matakot ilabas ung katotohanan. Deserved mo makuha ung hustisya at Wala ng maging susunod pang biktima. Yung mga ganung tao may nkalaan ng pwesto sa impyerno. Pakatatag ka at magdasal lng."

"Wag na hintayin ang KARMA sa knila! Lumaban ka!!! Deserve mo ang hustisya!!! Ilaban mo!!! ilaban mo pra wala ng susunod pa. Maraming ganyan na mga bakla sa industriya at klase ng trabaho nyo. Ilaban mo ang laban na ito!hustisya para sayo!!! Marami kang kakampi!!! Ilaban mo ang laban na ito!! Plss!!!"

"Ipakulong mo mga acclang manyaki*"

"Justice pra sayo Sandro"

"Very brave @sandromuhlach speak the truth ! This also happens to me as a model in manila ! Justice"

Matatandaang isang blind item ang lumabas sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Martes, Hulyo 30, tungkol sa baguhang aktor na pinagtangkaan umanong halayin.

MAKI-BALITA: Baguhang aktor, pinagsamantalahan ng dalawang TV executives?

Maraming netizens ang nagsuspetsa na ang tinutukoy sa nasabing ulat ay si Sandro. Lalong lumakas ang kutob nila nang magbahagi ng mga makahulugang post ang pamilya at kamag-anak ng aktor.

MAKI-BALITA: Cryptic post ni Niño Muhlach, usap-usapan: 'Inumpisahan n'yo, tatapusin ko!'

MAKI-BALITA: Pamilya Muhlach, wawakasan ang inhustisyang kinakaharap ng mga artista

MAKI-BALITA: 'Lagot!' Misis ni Niño Muhlach, nanggalaiti sa galit sa kababuyang dinanas ng anak

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang GMA Network kaugnay sa kumakalat na artikulo kung saan tampok ang tungkol sa baguhang aktor na ginawang “midnight snack” ng dalawang TV executives.

MAKI-BALITA: GMA Network naglabas ng pahayag kaugnay sa kinasangkutang insidente ng artist