September 19, 2024

Home SHOWBIZ

Stell at Pablo ng SB19, magkarelasyon?

Stell at Pablo ng SB19, magkarelasyon?
Photo courtesy: Screenshots from Romel Chika Network (YouTube)

Nakakaloka ang rebelasyon ng actor-producer na si Robby Tarroza patungkol kina Stell at Pablo ng all-male Pinoy Pop group na SB19.

Sa panayam kasi kay Robby sa vlog channel ni Romel Chika, natanong niya si Robby patungkol sa "boy crush" nito.

Photo courtesy: Robby Tarroza (FB) via Romel Chika Network (YouTube)

Aminado si Robby na bagama't married na siya sa kaniyang partner abroad, crush daw niya si Stell dahil sa husay nitong kumanta at humataw. Not necessarily naman daw na may balak siyang asawahin o tikman ito to that extent.

"I like the way he dances, I like the way he sings, gusto ko rin 'yong pagpaparetoke sa kaniya, he looks really good ha," giit ni Robby.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May fans daw ni Stell ang tila na-upset sa sinabi niyang boy crush niya si Stell.

"Yong comments, 'yong mga fans yata upset that I said that, na boy crush ko siya, they were saying 'di ba, in the comments na parang nagagalit si Pablo sa akin."

"Ha? Si Pablo na kagrupo niya?" tanong ni Romel.

"'Yong SB19 na Pablo. I actually saw him last night sa concert ni Dingdong [Avanzado]," sagot ni Robby.

"Oh bakit magagalit sa 'yo si Pablo?" sundot pa ni Romel.

"Eh 'di ba sila? Di ba Palo and Stell, 'di ba 'yan 'yong..."

"Kagrupo lang 'yon," biglang singit ni Romel.

"Ha hindi ba sila? Hindi ba parang sila tapos naghiwalay tapos the other member parang nagselos or something..." patuloy pa ni Robby.

"Hoy panay lalaki sila sa SB19, saan mo naman nakuha 'yang chismis na 'yan?" tanong pa ulit ni Romel.

"Showbiz friends," natatawang sagot ni Robby.

Para kay Robby, magandang couple sina Stell at Pablo kaya hindi raw dapat magalit sa kaniya si Pablo dahil wala raw siyang intensyong magkaroon ng relasyon kay Stell.

Nang makita raw ni Pablo si Robby sa concert ni Dingdong ay tila tinaasan daw siya ng kilay.

Sabi pa ni Robby, baka dumating daw ang puntong mag-produce siya ng concert para sa SB19.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Stell, Pablo, at SB19 patungkol sa mga rebelasyon ni Robby.