September 20, 2024

Home SPORTS

Sino si Jake Jarman, ang 'biggest rival' ni Carlos Yulo?

Sino si Jake Jarman, ang 'biggest rival' ni Carlos Yulo?
Photo courtesy: Jake Jarman (IG)

Ikinatuwa ng Pinoy fans ang kuhang larawan ni Filipino gymnast Carlos Yulo sa katunggali sa Paris Olympics 2024 na si Jake Jarman na makakaharap niya sa all-around, floor exercise, at vault event para sa Men's Gymnastics.

Kamakailan lamang ay nakaiskor ng 14.966 si Jarman sa floor exercise habang 14.700 naman si Yulo, na naging dahilan para makapasok sila sa finals.

Para sa mga hindi nakakaalam, si Jake Jarman ay isang half Filipino-half British kaya kung saka-sakali, dalawang Pinoy ang makasusungkit ng medalya para sa nabanggit na kategorya.

Si Jarman ay itinuturing na "biggest rival" ni Yulo pagdating sa gymnastics. Dahil half-British, naturalmenteng bansang Great Britain ang nirerepresent ng nabanggit na atleta. Ang kaniyang tatay ay English habang ang nanay naman niya ay Cebuana.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Noong 2018, nasungkit niya ang gintong medalya sa vault habang pilak na medalya naman ang natamo niya sa all-around exercises sa British Championships. Sa kaparehong taon, napabilang din siya sa team ng UK para sa European Championship kung saan naging pangalawang puwesto sila sa Russia.

At ngayong Paris Olympics nga ay magkakaharap sina Jarman at Yulo para sa floor exercise, vault, at all-around bukas ng Miyerkules, Hulyo 31.

MAKI-BALITA: Carlos Yulo, pasok sa finals ng all-around, floor exercise, at vault events