December 14, 2024

Home BALITA National

Panawagan sa mga scientist: 'Ikuwento ang siyensya gamit ang wikang nauunawaan ng bayan'

Panawagan sa mga scientist: 'Ikuwento ang siyensya gamit ang wikang nauunawaan ng bayan'
Photo Courtesy: Freepik

Iginiit ni Jomar I. Cañega, Puno ng Sangay ng Impormasyon at Publikasyon ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang lakas ng wikang pambansa at wikang katutubo bilang kasangkapan sa pagpapalaya sa kahirapan.

Kaya naman sa ginanap na press conference nitong Lunes, Hulyo 29, binanggit ni Cañega ang panawagan umano ni Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan at dating tagapangulo ng KWF Virgilio Almario para sa mga siyentista.

“Nananawagan siya [Almario] sa lahat ng siyentista sa Pilipinas. Ikuwento n’yo ang inyong siyensya gamit ‘yong wikang nauunawaan ng bayan para mayro’ng pagdaloy ng kaalaman mula sa mga intelektwal papunta sa masa,” saad ni Cañega.

“Hangga’t ang katalinuhan po at ang karunungan ay naka-confine lamang po sa mayayaman at nakapag-aral, mananatiling totoo ‘yong multo o ‘yong sumbat ni Mahatma Gandhi na lalo nitong pinalalaki ‘yong puwang sa pagitan ng mahirap at mayaman, sa pagitan ng mga nakapag-aral at ‘di nakapag-aral,” wika niya.

National

PhilHealth, pumalag sa mga alegasyon; <b>₱138M hindi raw para sa Christmas party</b>

Dagdag pa niya: “Sabi ni National Artist Almario, trabaho ng mga marurunong na lahat ng nalalaman nila padaluyin  sa bansa. Sa paanong paraan? Gamit ang wika na malay ang bayan. [...] At dito po magiging posible ‘yong kolektibong paglaya.”

Samantala, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2024, maglulunsad ang KWF ng limang serye ng webinar sa magkakaibang petsa sa susunod na buwan.

MAKI-BALITA: Limang serye ng webinar, ilulunsad sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2024