September 19, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Angel Locsin, pinakamagaling na Darna

Angel Locsin, pinakamagaling na Darna
Photo courtesy: Angel Locsin (FB)/Screenshot from Ogie Diaz Inspires (YouTube)

Naniniwala ang batikang aktres na si Celia Rodriguez na para sa kaniya, ang pinakamagaling na gumanap bilang "Darna" ay si Kapamilya star Angel Locsin.

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Celia, sinabi niyang marami raw ang nambash sa kaniya nang matanong kung para sa kaniya, sino sa mga artistang nakatrabaho na niya bilang Darna ang pinakamagaling na gumanap sa nabanggit na iconic at superhero role.

"That is my prerogative who is the best Darna, sabi ko si Angel Locsin! Binash ako! I've worked with Marian [Rivera], I've worked with Angel, I've worked with Vilma [Santos], lahat 'yan nag-Darna, so I can compare, eh si Angel talaga pinakamagaling. I'm sorry eh 'yon ang choice ko," anang Celia.

Matatandaang gumanap na Darna si Angel Locsin sa GMA Network noong 2005, at isa ito sa highest-rated television series sa kasaysayan ng GMA Network matapos makapagtala ng halos more than 50% sa TV rating.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room