October 05, 2024

Home SHOWBIZ

Ruffa sa pagpanaw ng SIL: 'Words cannot express how heartbroken and shocked I am!'

Ruffa sa pagpanaw ng SIL: 'Words cannot express how heartbroken and shocked I am!'
Photo courtesy: Ruffa Gutierrez (IG)

Nagdadalamhati ang aktres na si Ruffa Gutierrez sa pagpanaw ng kaniyang sister-in-law na si Alexa Gutierrez, misis ng kaniyang kapatid na si Elvis, nitong Linggo, Hulyo 28.

Ibinahagi ni Ruffa sa kaniyang Instagram posts ang pagpanaw ng kaniyang bilas dahil sa sakit na leukemia.

"I am still trying to process and accept that you are no longer with us. It’s so hard… Words cannot express how heartbroken and shocked I am," caption ni Ruffa sa isa sa mga Instagram post niya.

"I love you so much my beautiful, irreplaceable Alexa. You will forever be in my thoughts and in my heart. Until we cross paths again… "

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

" I’ll write more when able," dagdag pa ni Ruffa.

Bumuhos naman ang pakikiramay para sa pamilya Gutierrez mula sa mga kapwa celebrity at netizens.

MAKI-BALITA: Annabelle pinuri ang isang manugang; mabait at masinop daw sa asawa, mga anak