September 19, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Dalawang aktor, may maselang video ring lalabas?

Dalawang aktor, may maselang video ring lalabas?
Photo Courtesy: Aaron Villaflor, Michael Ver (FB)

Tila hindi lang daw pala si Mark Anthony Fernandez ang may maselang video ayon sa showbiz insider na si Ogie Diaz.

Sa isang episode kasi ng “Showbiz Updates” kamakailan, naitanong niya kung mayroon din daw bang video scandal ang aktor na sina Aaron Villaflor at Michael Ver.

“Aba, may lalabas pa raw. Totoo ba tayo na mayro’n din daw video scandal itong si Aaron Villaflor at ‘yong baguhan, ‘yong Michael Ver na nagsasarili?” saad ni Ogie.

“Diyos ko, ano ba yan? Nakakaloka! Nauso ‘yan no’ng pandemya dahil nga hindi makalabas ng bahay ‘no. Pero ngayon, sana naman…na kung gagawa ng krimen ‘wag nang ire-record,” aniya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Dagdag pa niya: “Iba kasing satisfaction ang naibibigay sa kanila kapag pinanonood nila ang kanilang sarili habang nakikipagtalamitam, e. “

Matatandaang sa unang bahagi ng vlog ay nauna nang nagbigay ng reaksiyon si Ogie sa kumalat na video scandal ni Mark.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, inimbestigahan maselang video ni Mark Fernandez: 'Hindi ko siya inenjoy!'

Pero bago pa man ito, minsan na ring pinayuhan ng showbiz insider ang aktor dahil sa pagpapakita umano nito ng “bird” sa isang pelikula.

MAKI-BALITA: Ogie Diaz, pinagsabihan si Mark Fernandez nang makita 'bird' ng aktor