September 20, 2024

Home SHOWBIZ

Cat Arambulo, humingi ng paumanhin sa pagiging insensitive

Cat Arambulo, humingi ng paumanhin sa pagiging insensitive
Photo Courtesy: Cat Arambulo (FB/TikTok)

Nagbigay na ng pahayag ang social media influencer na si Cat Arambulo-Antonio kaugnay sa kaniyang viral video noong manalanta ang bagyong Carina at habagat kamakailan.

Sa latest Instagram post ni Carina nitong Sabado, Hulyo 27, sinabi niyang lubos umano siyang humihingi ng paumanhin sa pagiging insensitibo niya.

“I deeply apologize for my insensitivity and my actions, during a time of crisis. I hear you and I will use this as a learning opportunity for myself and to teach my kids to be more socially aware and active,” saad ni Cat.

Dagdag pa niya: “I am now focusing my efforts on providing relief to different communities. My prayer go out to everyone affected.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Matutunghayan kasi sa nasabing video ni Cat ang pag-uusap nila ng kaniyang mga anak sa loob ng sasakyan habang binabaybay ang binabahang kalsada dulot ng bagyong Carina at habagat.

Base sa video, maririnig na unang beses lang daw nilang maranasang dumaan na dumaan sa gitna ng binabahang kalsada sa Maynila

Bukod dito, humirit pa ang mga anak ni Cat na gusto raw nilang maglaro ng floatie o wakeboarding sa baha.

MAKI-BALITA: Cat Arambulo trending sa X dahil sa baha, insensitive nga ba?

MAKI-BALITA: Bela Padilla, pinatutsadahan si Cat Arambulo?