October 06, 2024

Home SHOWBIZ

Alden Richards, magpapa-presscon 'pag may jowa na

Alden Richards, magpapa-presscon 'pag may jowa na
Photo Courtesy: Screenshot from GMA Network (YT)

Naitanong ni Asia’s King of Talk Boy Abunda kung kumusta na nga ba ang lovelife ngayon ng Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

Sa huling bahagi ng “Fast Talk” noong Biyernes, Hulyo 26, hindi diretsahang sinagot ni Alden ang tanong pero nag-iwan naman siya ng pangako kay Boy.

“Ngayon, Tito Boy, in all honestly naman I enjoying my time,” saad ni Alden.

“Pero….ito na lang, just to settle this question. Kung magpapa-presscon ako, Tito Boy, kukunin kitang host ‘pag mag-aannounce na ako officially kung sino ang aking makakapartner,” dugtong pa niya.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

“Promise, ha?” paniniyak pa ng King of Talk.

“Promise, Tito Boy. Promise,” sagot ng aktor.

Samantala, sa isinagawang 2-minute fast talk ay mahihiwatigang tila handa nang pumasok si Alden sa romantic relationship base sa kaniyang mga sagot. In fact, ayon sa kaniya, tatlong taon mula ngayon ay gusto na raw niyang lumagay sa tahimik.

MAKI-BALITA: Alden Richards, handa nang makipagrelasyon?

Matatandaang nali-link si Alden ngayon sa “Hello, Love, Again” co-star niyang si Kathryn Bernardo na kagagaling lang sa failed relationship last year. 

MAKI-BALITA: Alden panay raw dalaw sa bahay ni Kathryn, tinuturuang magmaneho?

MAKI-BALITA: Alden, Kathryn naispatang magkasamang nanonood ng pelikula

Pero wala pa silang inilalabas na anomang pahayag tungkol sa real-score nilang dalawa maliban sa makahulugang  “what you is what you get” na sinabi ni Alden sa isang panayam.

MAKI-BALITA: Alden sa relasyon nila ni Kathryn: ‘What you see is what you get’