September 20, 2024

Home SHOWBIZ Musika at Kanta

Gloc 9, nangungutang dati kay Francis M

Gloc 9, nangungutang dati kay Francis M
Photo Courtesy: Gloc 9 (FB), Maxene Magalona (IG)

Ibinahagi ng rapper at composer na si Gloc 9 kung anong klaseng relasyon mayroon sila ni master rapper Francis Magalona.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan, sinabi niya na “ibang level” daw ang relasyon niya sa mater rapper.

“Si Sir Kiks [Francis Magalona] ay ibang level. Ang naging relasyon ko kay Sir Kiks Ninong siya ng aking kambal. May time na ‘Sir Kiks, binyag ng mga anak ko, e. Pwede ka ba?’ Sabi niya: A, oo. Sige,” saad ni Gloc 9.

Dagdag pa niya: “I think, mayro’n siyang lunch with his family. ‘Yong lunch niya with his family, ginawa niya malapit do’n sa binyag para lang maka-attend siya. ‘Yon ang relasyon namin. “

Musika at Kanta

Andrew E, ibinuking ang sikreto kung bakit loyal sa kaniya ang buong Pilipinas

Bukod pa rito, dumating din daw sa puno na lumalapit siya kay Francis M. para mangutang ng kaniyang pang-tuition bilang isang nursing student.

“Sasabihin niya sa akin: ‘Daan ka rito sa [Eat] Bulaga. Bigyan kita ng pera. Pang-tuition mo.’Walang strings attached. Siya ang nagsabi nito: ‘Ang pera, kinikita. Ang kaibigan, mahirap,” aniya.

Samantala, sa isang bahagi ng panayam, ibinahagi rin ni Gloc 9 na isa umano si Andrew E. sa mga naging stepping stone niya going into rapping.