September 18, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Bela Padilla, pinatutsadahan si Cat Arambulo?

Bela Padilla, pinatutsadahan si Cat Arambulo?
Photo Courtesy: Bela Padilla, Cat Arambulo (IG)

Tila nagbigay ng reakisyon ang aktres na si Bela Padilla sa viral video ng social media influencer na si Cat Arambulo-Antonio.

Matutunghayan kasi sa nasabing video ni Cat ang pag-uusap nila ng kaniyang mga anak sa loob ng sasakyan habang binabaybay ang binabahang kalsada dulot ng bagyong Carina at habagat.

Base sa video, maririnig na unang beses lang daw nilang maranasang dumaan na dumaan sa gitna ng binabahang kalsada sa Maynila. 

“First time for the kids to experience baha here in Manila,” saad ni Cat.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Bukod dito, humirit din ang mga anak ni Cat na gusto raw nilang maglaro ng floatie o wakeboarding sa baha.

“Mommy, you know what you can do?” tanong ng anak niya. “You can get a floatie.”

Umani tuloy ng pambabatikos mula sa mga netizen ang naturang video. Pati si Bela ay tila hindi na rin napigilang maglabas ng sentimyento.

Aniya: You see people risking their lives for their loved ones and your question is if you and your kids can use a floatie here? Come on.

“Could've been a nice teaching for you kids but ‍” dugtong pa ni Bela.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, hindi pa kinukumpirma ng aktres kung si Cat nga ba talaga ang tinutukoy niya sa kaniyang Instagram story.

MAKI-BALITA: Cat Arambulo trending sa X dahil sa baha, insensitive nga ba?