Ibinahagi ng aktor-TV host na si Eagle Riggs ang ilang mga larawan kung saan makikita ang mga nagkalat na ginamit na condoms at lubricants, pati na ang mga pakete nito, sa isang lugar sa Puerto Galera.
Makikita ito sa Facebook post ni Eagle noong Abril 5, na may hashtag na "#jurassic." Mapapansing hindi na-dispose nang maayos ang mga ginamit na condom na iba-iba pa ang brands at flavor.
"Mga acla dapat clean as you go !" saad ni Eagle sa caption.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"Being responsible isn’t selective. Responsibility shouldn’t stop at safe sex; it should extend for the environment too.
"Grabe naman ! Wag mag iwan ng ebidensya Kalat mo linisin mo hahahaha !"
"Hays nakatipid na nga po sa HOTEL sana naman po ay inilaGAy sa SELEPEN at itinapon sa basurahan."
"Ano ba yan! Dapat nilalagay sa bulsa ang basura"
"Hay nko mga acla nga naman makapag paraos lng kht Kalat di na kaya intindihin.dapat Kasi sinasara na ung Jurassic na yan Jan sa white beach.ang alam ko may bantay Jan eh."