September 08, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Amanda,' pangalan ng bagong jowa ni Daniel Padilla?

'Amanda,' pangalan ng bagong jowa ni Daniel Padilla?
Photo Courtesy: Freepik, Screenshot from Showbiz Updates (YT)

Napag-usapan nina showbiz insider Ogie Diaz ang tungkol sa umano’y bagong jowa ni Kapamilya star Daniel Padilla.

Sa latest episode ng “Showbiz Update” nitong Huwebes, Hulyo 25, nabanggit ni Ogie ang pangalan umano ng babaeng nali-link sa aktor.

“May nag-pm sa akin. Kasi tinatanong ako kung mayro’n na ring jowa si DJ, si Daniel Padilla. At tinatanong ako kung totoo po ba na ang pangalan ng bagong girl friend ni DJ ay Amanda,” saad ni Ogie.

Pero sabi niya: “Hindi naman natin alam ‘yan. Talagang binabasa lang natin ‘yan at bahala na sila—si Daniel, si Kathryn [Bernardo] kung mayro’n silang gustong sabihin sa mga fans.”

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, sumagot sa netizen na nagsabing may anak na siya

Bukod kasi kay Daniel, napag-usapan din nina Ogie ang tungkol sa pang-iintriga ng mga netizen kina Kathryn at sa kinakapatid nitong si Dominic Roque.

MAKI-BALITA: Kathryn Bernardo, natuklasang may dimple si Dominic Roque

Samantala, matatandaang napag-usapan na rin sa isang episode ng “Showbiz Updates” noong Hunyo na may bago raw nililigawan si Daniel na taga-Batangas.

MAKI-BALITA: Bagong nililigawan ni Daniel Padilla, rich girl na taga-Batangas?