May 22, 2026

Home BALITA National

CJ Hirro 'di nagtatago, nasa out-of-town lang—abogado

CJ Hirro 'di nagtatago, nasa out-of-town lang—abogado
Photo courtesy: PGMN (FB)

Nilinaw sa publiko ng tumatayong abogado ni Peanut Gallery Media Network (PGMN) anchor CJ Hirro na si Atty. Lian Cacapit na hindi raw nagtatago ang kaniyang kliyente. 

Matatandaang inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Mayo 8, 2026, na tinitingnan na rin daw nilang “person of interest” sa naturang banta ng extortion kay Romualdez si Hirro at nakatakda nila itong ipatawag sa kanilang tanggapan.

Pagkatapos ito ng nauna nang pag-aresto ng NBI sa founder ng PGMN at political content creator na si Franco Mabanta at apat na iba pa noong Mayo 5, 2026 dahil sa naturang pagbabanta ng extortion kay Romualdez.

KAUGNAY NA BALITA: 'We are innocent. This was setup!' Franco Mabanta, nagsalita matapos dakpin ng NBI dahil kay Romualdez

Ayon naman sa naging pahayag ng abogadong si Cacapit sa naging personal na pagpunta niya sa tanggapan ng NBI nitong Lunes, Mayo 11, sinabi niyang nasa out-of-town daw ngayon si Hirro.

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Ani Cacapit, wala naman daw siya sa posisyon para sabihin sa publiko ang kasalukuyang kinaroroonan ng kaniyang kliyente,” ‘ika niya. 

Paliwanag ng abogado, pumunta lamang daw siya sa NBI para ipaberipika ang lumabas na subpoena laban sa kaniyang kliyente. 

Saad niya, kakatapos pa lang nilang mag-usap ni Hirro at malinaw raw na layunin niyang makahingi ng kopya ng subpoena ng kaniyang kliyente sa NBI. 

“Kaka-engage niya lang sa akin. Ang pakay ko lang talaga dito ay to request the subpoena,” aniya. 

Giit ni Cacapit, hindi raw totoong nagtatago si Hirro dahil wala naman daw dapat itago ang huli sa NBI. 

“Hindi totoo ‘yon. Hindi siya nagtatago [at] wala siyang dapat itatago. Kaya nga pinapapunta niya ako dito para i-represent siya. In good faith siya na pumunta dito a NBI,” saad niya. 

Pagpapatuloy pa niya, agad daw niyang ipapaliwanag sa kliyente niya ang mga nakasaad sa subpoena sa oras na makakakuha na siya ng kopya nito.

“Nakaka-secure na ako ng copy no’ng subpoena and I’ll report the same to my client,” pagtitiyak niya. 

“I will communicate with her. Importante na mailabas natin ‘yong totoo at matulungan natin ‘yong NBI,” pagtatapos pa niya.

KAUGNAY NA BALITA: 'Innocent and very much alive!' CJ Hirro, ligtas at nagtatago kay Rep. Romualdez!

KAUGNAY NA BALITA: Misis ni Rep. Romualdez, mas malala ginawa kay Zaldy Co!—PGMN