September 06, 2024

Home SHOWBIZ

Ogie Diaz, pinayuhan ang BINI na 'wag nang mag-Jabbawockeez ulit

Ogie Diaz, pinayuhan ang BINI na 'wag nang mag-Jabbawockeez ulit
Photo Courtesy: Ogie Diaz, ABS-CBN News (FB)

Nagbigay na rin ng payo ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa P-pop girl group na BINI kaugnay sa kanilang mga isinusuot na outfit sa airport na halos hindi na makilala.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Linggo, Hulyo 21, sinabi ni Ogie na sana raw ay huwag nang ulitin pa ng BINI ang pagsusuot ng Jabbawockeez outfit sa susunod.

“Ako lang, ha. Siguro one time okay na ‘yan pero ‘yong uulitin n’yo ulit ‘yong naka-Jabbawockeez kayo, ‘wag na. Pakita na lang kayo. Gano’n na lang kayo [Kumaway],” saad ni Ogie.

“Namnamin n’yo ‘yong pinaghirapan n‘yong kaway nila, pinaghirapan n’yo ‘yong tili nila. Pinaghirapan n’yo ‘yong paghanga nila sa inyo,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

EJ Obiena, handa nang lumagay sa tahimik?

Dagdag pa niya: “Pinaghirapan n’yo ‘yong malayo sila nanggaling para lang makita kayo kasi wala silang pambayad ng ticket pampanood sa inyo. ‘Yon man lang maipabaon n’yo sa kanila.”

At bago pa man daw kuyugin ng batikos si Ogie, nilinaw na agad ng co-host niyang si Mama Loi na ang suhestiyong binanggit ng showbiz insider ay para sa kapakanan ng mga tagasubaybay ng BINI at hindi sa mga basher at hater nito.

Matatandaang kamakailan lang ay umani ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang sikat ng P-pop girl group matapos lumutang ang mga larawan nila sa airport na halos balot na balot ang buong katawan.

MAKI-BALITA: Writer, pinikon 'kulto' ng fans: 'Sarah Geronimo is better than BINI in all aspects!'

MAKI-BALITA: BINI, gawin daw example si Sarah Geronimo pagdating sa kasikatan