Usap-usapan ng mga netizen ang pag-reshare at pagbibigay-reaksiyon ng direktor at aktor na si Andoy Ranay kay Kapuso actress at "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" Kapuso Big Winner Mika Salamanca, hinggil sa naging X post nito tungkol sa politika.
Noong Mayo 15, nag-post kasi si Mika sa X patungkol sa hindi pag-iwas sa politika, na nagkamal ng 3.8M views as of this writing.
"avoiding politics won't avoid you, wake up," aniya.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen, at ang ilan, inungkat pa ang pagiging malapit ni Mika kay dating presidential daughter Veronica "Kitty" Duterte.
Hanash naman ni Direk Andoy rito, "Kaya pa ba hija?" na may kalakip na grimacing face emoji.
Photo courtesy: Screenshot from Andoy Ranay/Mika Salamanca/X
Hindi naman nagpaliwanag ang direktor kung ano ang nais niyang ipahiwatig tungkol dito.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.
"With all due respect, Direk, knowing how much hate Mika already gets, calling her out publicly only adds fuel to it. She’s simply sharing her thoughts on matters affecting the PH. I hope we can give space for healthy conversations without creating more negativity."
"Ay, ano pong meron dito sir? Same naman po kayong for good governance. Ever since vocal naman po s’ya sa politics, nag door-to-door pa ho yan to campaign Leni-Kiko. Ano po kaya yung 'kaya pa ba'? Kaya pa ba yung kabobohan na katulad ng mga nasa comment dito??"
"I think she meant sa tweet niya ay para sa ibang tao na apolitical pa rin hanggang ngayon."
"Damang hanash ng baklang matanda na to HAHAHA lolo lipas kana. Kahit anong gawin mo mas relevant at maraming followers yan. Ikaw? Oldie bading na."
"siraulo ka po... bully ka tlgang director ka... sama mo kaya karma mo mag-isa ka nlng sa buhay, jumojoin nlng sa family ni Angelica kc nga wala n may gusto ka kasama."
"puksaan direk hahahaha"
Samantala, hindi naman nag-react si Direk Andoy o maging si Mika tungkol dito.