September 19, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Mga halang ang bituka, uubusin na ni Ruru sa huling linggo

Mga halang ang bituka, uubusin na ni Ruru sa huling linggo
Photo courtesy: Ruru Madrid, GMA Public Affairs (FB)

Nasa finale week na pala ang action-drama series na "Black Rider" na pinagbidahan ni Kapuso action-drama star Ruru Madrid, na umere din ng ilang buwan, mula sa pilot telecast nito noong Nobyembre 2023.

"Ang mga halang ang bituka, maghanda na dahil uubusin na kayo ni Black Rider!" mababasa sa post ng GMA Public Affairs, ang nag-produce ng serye.

HEROIC FINALE WEEK NA! Ang mga halang ang... - GMA Public Affairs | Facebook

Katapat ito ng action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo" ng Kapamilya Primetime King na si Coco Martin, at ang panibagong gigiyera sa kaniya ay ang "Pulang Araw" na historical-drama ang genre, na pinagbibidahan nina Alden Richards, Barbie Forteza, David Licauco, Sanya Lopez, at Dennis Trillo.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Sa ilang buwang pag-ere nito, in fairness, ang daming napasok na mga karakter kabilang na ang mga social media personalities kagaya na lamang nina Madam Inutz, Tito Mars, Hiwaga, at iba pa.

Nabigyan din ng pagkakataong makita ang acting skills ng mga Vivamax stars gaya nina Salome Salvi at Angeli Khang.

At ang pinakapasabog nga, ang cameo role ng South Korean star na si Kim Ji Soo.

Kaya sa mga faney ni Elias, abangan na lang kung sino ba talaga ang makakatuluyan niya sa ending at kung anong mangyayari sa kaniya, dahil tiyak na pasabog at maaksyon ito.