October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Coco Martin, ayaw daw ungkatin ang personal na buhay?

Coco Martin, ayaw daw ungkatin ang personal na buhay?
Photo Courtesy: Coco Martin (IG)

Tila hindi raw gusto ni “FPJ’s Batang Quiapo” star Coco Martin na kalkalin ang personal niyang buhay ayon sa showbiz insider na si Ogie Diaz.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” kamakailan, ibinahagi ni Ogie ang dahilan kung bakit ayaw ni Coco na ihalo ang private life niya sa showbiz.

“One time, hinihingi ko si Ron [Martin], ‘yong kapatid niya. One on one sa Ogie Diaz Inspires. Sabi ni Coco sa akin: ‘Pasensya ka na. Gusto ko kasi maging pribado ‘yong buhay namin. Okay lang ‘yan, Kuya Ogs, kahit ‘wag mo nang ma-one-on-one ‘yong kapatid ko kasi okay na kaming gano’n na mayro’n pa rin kaming privacy,” kuwento ni Ogie.

“So, feeling ko, gano’n si Coco. At kailangan nating maintindihan ‘yon, ha. Kasi syempre porke artista ka wala na ba silang karapatang itago ang ilang bahagi ng buhay nila?” wika niya.

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Dagdag pa niya: “Syempre ‘di ba kahit naman kami mayro’n din naman kaming mga itinatago. Hindi naman siya ilalabas kahit nandito kami, nakaharap sa inyo, ‘di ba? Kasi amin ‘yon, e.”

Sa oras daw kasing papasukin ni Coco ang camera sa buhay niya, posible raw na masira ang diskarte niya sa buhay o magkawatak-watak ang kaniyang pamilya.

Napag-usapan nina Ogie ang tungkol sa bagay na ito matapos madulas ng TV host na si Willie Revillame tungkol sa anak umano ni Coco kay Kapamilya actress Julia Montes.

Matatandaang nabanggit ito ni Willie nang magbigay siya ng mensahe sa kaniyang “Wil-Come Back Party" sa TV 5 kamakailan.

MAKI-BALITA: Willie, nadulas na may anak na sina Coco at Julia?