September 06, 2024

Home SHOWBIZ Events

Barbie Forteza, pinuri sa pagtulong kay Herlene Budol

Barbie Forteza, pinuri sa pagtulong kay Herlene Budol
Photo Courtesy: Barbie Forteza (FB), Screenshot from X

Usap-usapan si Kapuso star Barbie Forteza matapos niyang saklolohan ang beauty queen-Sparkle artist na si Herlene Budol.

Sa video clip kasing ibinahagi sa X nitong Linggo ng madaling-araw, Hulyo 21, matutunghayan na biglang nadapa si Herlene habang rumarampa sa ginanap na #GMAGala2024 nitong Sabado. 

“Barbie Is So Sweet Helping Herlen Budol To Get Up” saad sa caption.

Agad namang lumapit si Barbie kay Herlene kahit tila hindi pa tapos ang kaniyang moment para sa eleganteng pagrampa. 

Events

'BINI Lady:' Blooms, ticket sa concert ni Martin Nievera ang nabili

Dahil sa ginawang ito ni Barbie, umani ng samu’t saring reaksiyon ang naturang video mula sa mga netizen. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"I'm not a fan of Barbie, but seeing her kind act makes me amazed at her "

"Ang puso ko mabait talaga si Barbie "

"How can you not love Barbie? "

"Si barbie daw pinakamabait na kapuso"

"Kaya si barbie fave ko sa gma .humble and kind"

"Lumabas ang pagka klay ni barbie..galing naman.."

"Kaya blessed si barbie dahil super bait talaga #GMAGala2024"

"I love Barbie!"

"Nahulog pala talaga si Harleneakala ko talaga prank lang"

"Love na tlga kita barbie.Simula nung napanuod kita sa showtime"

Gayunman, sa kabila ng nangyari, hindi naman daw nasaktan si Herlene ayon sa kaniyang social media post.

MAKI-BALITA: Herlene Budol, nadapa habang umaawra at rumarampa sa GMA Gala