October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Payo ni Jennylyn kay Dennis sa hacking: 'Hirapan mo nga 'yang password mo!'

Payo ni Jennylyn kay Dennis sa hacking: 'Hirapan mo nga 'yang password mo!'
Photo courtesy: Jennylyn Mercado (IG)/ABS-CBN/Dennis Trillo (GMA Network) via Balita

Naniniwala si Jennylyn Mercado na hindi magagawa ng mister niyang si Dennis Trillo na pagsalitaan nang masama ang kahit na sino, partikular na ang ABS-CBN na dati niyang home network.

Sa ulat ng 24 Oras, nahingan si Jen kung ano raw ba ang reaksiyon niya nang pumutok ang isyu patungkol sa naging komento at pasaring na tanong ni Dennis sa isang netizen, kung "May ABS pa ba?"

MAKI-BALITA: Dennis Trillo, nagsalita na matapos ma-hack ang TikTok account

“Sabi ko, ‘Anong nangyari?’ ‘Yong management ko ‘yong nagsabi sa ‘kin. Sabi ko, ‘Imposibleng mangyari ‘yan, hindi si Dennis ‘yan. Hindi siya ganoon."

Tsika at Intriga

Barbie Imperial, banas sa pages na nega na nga, sinungaling pa!

"Sabi ko na lang, ang advice ko na lang sa kaniya, ‘Hirapan mo nga ‘yang password mo!’”

Samantala, inaddress na rin ni Jennylyn ang isyu tungkol sa paglipat daw niya sa ibang TV network. Aniya, mananatili siyang Kapuso kung gusto pa raw siya ng home network, subalit sa ngayon, isa siyang freelance artist dahil wala pa siyang contract network. Pinabulaanan din niya ang tsikang lilipat na siya sa ABS-CBN dahil wala naman daw offer sa kaniya.

MAKI-BALITA: 'Kung gusto pa rin nila ako:' Jennylyn nagsalita na tungkol sa paglundag sa ibang network

MAKI-BALITA: Jennylyn Mercado, Kapuso pa ba? Manager, may 'big plans' sa kaniya