September 06, 2024

Home SHOWBIZ Pelikula

Jane De Leon, Janella Salvador may nilulutong proyekto?

Jane De Leon, Janella Salvador may nilulutong proyekto?
Photo Courtesy: Screenshots from ABS-CBN Star Music (YT)

May bagong aabangan daw ang fans ng dalawang “Darna” stars na sina Janella Salvador at Jane De Leon.

Sa panayam ng ABS-CBN News noong Biyernes, Hulyo 19, sinabi ni Jane kung ano ang nilulutong proyekto nila ni Janella.

“May gagawin pa kami ni Janella. It’s not a GL for now. It’s a movie,” lahad ni Jane.

Matatandaang naiulat kamakailan na magkakasama sina Jane at Janella sa pelikula ni award-winning director Jun Robles Lana na pinamagatang “How To Be A Good Wife?”

Pelikula

Pang-SEA Games kaya? Maris Racal sumabak sa gymnastics training

Pero bago pa man ito ay humihirit na ang fans na magkaroon sila ng girl love (GL) movie. Nagsimula ito noong pag-usapan noong 2022 ang ilang eksena nina Jane at Janella sa “Darna” dahil sa tila sweet moments nila.

MAKI-BALITA: ‘Tukaan’ nina Jane at Janella, usap-usapan; sigaw ng fans, ‘GL series na ‘yan!’

In fact, inabangan pa nga ng mga tagasubaybay ang posibleng kissing scene ng dalawa sa nasabing TV series.

MAKI-BALITA: ‘DarLentina’, shini-ship; mga netizen, nakaabang sa posibleng kissing scene nina Jane, Janella

Kaya naman sa isang panayam ay inamin ni Janella na nalungkot umano siya dahil hindi natuloy ang GL movie na nakatakda sana nilang ganapan.

MAKI-BALITA: Janella, nalungkot sa naudlot na GL movie nila ni Jane

Pero sa ngayon, pwede sigurong pagtiyagaan muna ng fans ang music video ni Janella na “Hey You” kung saan tampok silang dalawa.