October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Janice, tikom ang bibig sa isyu nina John at Priscilla

Janice, tikom ang bibig sa isyu nina John at Priscilla
Photo Courtesy: Janie De Belen, John Estrada (IG)

Inaasahan na raw ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang hindi pagkibo umano ng aktres na si Janice De Belen sa hiwalayan ng mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles.

Sa isang episode ng kaniyang programang “Cristy Ferminute” noong Huwebes, Hulyo 18, sinabi ni Cristy kung bakit mas pinili umanong manahimik ni Janice tungkol sa isyu ng dalawa.

“Nagsasalita lang naman si Janice kapag kailangan. Hindi talaga siya makikisawsaw dyan. Anong gusto nilang marinig?” saad ni Cristy.

Dagdag pa niya: “‘Yong sabihin na ‘akin pa rin ang huling halakhak!’ ‘Yong gan’on? Hindi po gagawin ‘yan ni Janice. She knows when to talk and not to. ‘Yan ‘yan. Totoo ‘yan. Totoong-totoo ‘yan.”

Tsika at Intriga

Barbie Imperial, banas sa pages na nega na nga, sinungaling pa!

Kaya naman naloloka raw ang co-host ng showbiz columnist na si Romel Chika dahil kahit hindi na raw dapat idawit pa ang pangalan ng isang personalidad, iniintriga pa.

Matatandaang dating mister ni Janice si John. Pero matapos ang siyam na taong pagsasama, nagkahiwalay sila noong 2001. Tuluyang napawalang-bisa ang kasal nila nang ma-annul ito noong 2004.

MAKI-BALITA: Riggghhhooouuurrr! Sino-sino nga ba ang mga babaeng na-link kay John Estrada?

Samantala, nagsimula namang pag-usapan ang pangalan ni John matapos pangalanan ni Priscilla ang babaeng kasama umano ng mister nito sa Boracay.

MAKI-BALITA: John Estrada, nilinaw na wala siyang relasyon kay Lily Hallman

Pero nilinaw ng aktor na wala raw siyang relasyon sa babaeng nali-link sa kaniya na si Lily Hallman. 

Bukod dito, binanggit din ng aktor na pareho raw nilang pinagdesisyunan ng misis niyang si Priscilla Meirelles na mag-take muna ng break sa kanilang relasyon.

MAKI-BALITA: John Estrada, nilinaw na wala siyang relasyon kay Lily Hallman