September 16, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Willie uminit-ulo, pinagalitan ang production staff ng 'Wil To Win' sa ere

Willie uminit-ulo, pinagalitan ang production staff ng 'Wil To Win' sa ere
Photo courtesy: Screenshots from Wil To Win (X)

Trending sa X ang pangalan ng host na si Willie Revillame matapos uminit ang kaniyang ulo at pagalitan ang production staff ng bagong programang "Wil To Win" sa TV5.

Hindi nagustuhan ni Willie ang ilang "kapalpakan" sa programa, lalo na sa mga segment nila. Ayon sa host na siyang "hands on" sa lahat ng mga ganap sa kaniyang pagbabalik-telebisyon, nagkaroon na raw sila ng rehearsal sa lahat subalit may mga palpak pa ring nangyayari, kaya nakiusap siya sa staff na tulungan naman siya dahil halos lahat, siya na lang daw ang kumikilos.

Nagkalat ang video clips ng iba't ibang segment ng Wil To Win kung saan makikita ang panggigigil ni Kuya Wil sa staff dahil sa hindi maayos na pagkaka-execute ng mga palaro, tulad na lamang ng "Sakokarera."

"Puwede ba tayo mag-meeting lahat mamaya pagkatapos. Diyos ko, aatakihin ako sa inyo dito..." hindi na napigilang bulalas ni Willie sa nabanggit na segment.

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

Nagpaliwanag pa si Willie na sinisikap niya ang lahat para maging smooth ang mga unang episode ng kanilang show subalit hindi pa rin maiwasan ang mga "kapalpakan."

Giit pa ni Willie, siya ang naba-bash dahil sa kaniyang pagalit sa staff on-air.

"Tapos ako naba-bash. Pag nagagalit ako sa ere, mayabang, arogante?"

"Pasensya na kayo... Nahihirapan lang ako dahil pumalpak kami kanina sa writer, 'yong FD [floor director] namin, naglakad—para malaman n'yo kung ano'ng problema namin—pumalpak 'yong DJ, opening pa lang, sumabit na kami."

"Hindi n'yo nakikita 'yan. Pag nagagalit ako sa ere: mayabang, arogante, buwisit ka, bumalik ka pa, laos ka na?"

Payo ng mga netizen kay Willie, huwag nang pagalitan ang staff on-air dahil puwede naman itong gawin nang pribado. Imbes daw kasi na pagpapasaya ang maibigay, parang nadadamay daw ang lahat sa "stress" kung ganito ang mapapanood sa show.