Nagbigay ng paglilinaw si showbiz insider Ogie Diaz sa naunang tsika niya hinggil sa umano’y gusot sa pagitan nina “Love Is Never Gone” stars Ivana Alawi at Jameson Blake.
Matatandaang sa isang episode kamakailan ng “Showbiz Updates,” inispluk ni Ogie ang nasagap niyang tsika na tila na-take advantage umano ni Jameson si Ivana sa kissing scene ng dalawa sa naturang serye.
Aniya, “Medyo na-feel daw ni Ivana na taking advantage kaya si Ivana, according to our source, ay isinumbong sa management itong si Jameson.”
Ngunit sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Linggo, Mayo 10, sinabi ni Ogie na nagkita raw sila ni Ivana at nagkausap.
“Sinabi niya [ni Ivana] sa akin na, ‘Ma, mali at hindi buo ‘yong kuwento mo.’ [...] So, ito na nga ‘yong panig ni Ivana. Totoo na hindi sila nagkikibuan at hindi niya kinikibo si Jameson Blake, katulad nitong media con na hindi talaga niya pinansin si Jameson Blake,” saad ni Ogie.
Dagdag pa ng showbiz insider, “‘Yong kissing na nilabas ni Jameson Blake ‘yong dila niya, ‘Ma, hindi ‘yan ang issue. Wala ‘yan. Dahil ‘pag may mga gano’ng lalaki talaga sinasabihan ko na huwag ilalabas ang dila. Tingnan mo naman sa amin ni Joshua [Garcia], hindi naman kami nagkaroon ng problema.’”
Ayon kay Ogie, ang totoong isyu umano sa pagitan ng dalawa ay ang pagbalibag ni Jameson kay Ivana sa kama habang kinukunan sila ng eksena.
“Ilang beses tinake ‘yong paghagis sa kaniya sa kama,” tsika niya. “Na hindi ma-perfect-perfect daw ni Jameson. Kaya ang ending, tumama na ‘yong spine niya do’n sa kanto o sa edge ng kama na nagdulot ito ng sakit sa likod niya.”
“Ang ending, siya ay naospital. Three months siyang nag-undergo ng therapy,” dugtong pa ni Ogie.
Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang panig ni Jameson hinggil dito. Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.