September 19, 2024

Home SHOWBIZ Teleserye

Umpisa pa lang: Coco at Kim, 'nagkaputukan' na!

Umpisa pa lang: Coco at Kim, 'nagkaputukan' na!
Photo courtesy: Screesnhots from Kapamilya Online Live/Kim Domingo (IG)

Pagpasok na pagpasok pa lang ng dating Kapuso actress na si Kim Domingo ay nagkabakbakan na agad sila ni "Tanggol" na ginagampanan ni Coco Martin, sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo."

Lumabas na nga ang karakter ni "Madonna" na pumasok sa eksena bilang si "Black Rider Girl" na mukhang bagong kaaway ni Tanggol.

Matatandaang naging palaisipan sa mga netizen kamakailan kung sino ang bagong karakter na papasok sa nabanggit na serye, sa pagputok naman ng tsikang magbababu na sa serye ang karakter ni "Bubbles" na ginagampanan ni Ivana Alawi.

Anyways, tama nga ang hula ng mga netizen na si Kim Domingo si Black Rider Girl. In fairness, sa costume pa lang ay litaw na litaw na ang kagandahan at kakinisan ng kutis ng aktres na isa sa mga trademark niya.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

At talagang umaatikabong bakbakan ang naganap nang magharap na sila ni Tanggol; nagkabarilan, nagkabalagbagan, at ang ending ay may pagtalon pa si Kim sa isang building; paglapag sa semento, fresh na fresh pa rin!

Tingnan na lamang sa mga susunod na episode kung ano nga ba ang kaugnayan ni Madonna kay Tanggol at warla agad sila.

MAKI-BALITA: Bagong babae ni Tanggol? 'Black Rider Girl' ng Batang Quiapo, ipinakilala na

Samantala, ibinahagi naman ni Kim sa kaniyang Instagram post ang mga larawan nila bilang Madonna.