August 27, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Pokwang sa dating karelasyon: 'Galing impyerno 'yon!'

Pokwang sa dating karelasyon: 'Galing impyerno 'yon!'
Photo Courtesy: Lee O'Brian (IG), Screenshot from Ogie Diaz (YT)

Pabirong inilarawan ni Kapuso comedy star at "TikToClock" host Pokwang ang dati niyang karelasyon nang sumalang siya sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz.

Sa naturang vlog kasi nitong Martes, Hulyo 16, naitanong ni Ogie kay Pokwang kung bukas pa rin ba ang puso niya na magkaroon ng bagong pag-ibig.

“Bukas na ba ang puso ni Mareng Pokie sa bagong pag-ibig?” usisa ng showbiz insider.

Sagot naman ni Pokwang: “Hindi ko isinasara. Ito lang ako, cool.”

Relasyon at Hiwalayan

Regine, sesemplakin nagsabing hiwalay na sila ni Ogie: 'Maghintay ka d'yan ha!'

“Hindi mo isinasara. So, pwede?” paniniyak ni Ogie.

“Kung galing kay God, bakit hindi? Kasi ‘yong nakaraan galing impyerno ‘yon, e,” hirit ni Pokwang sabay tili.

Matatandaang naghain ng deportation case si Pokwang laban sa dating partner na si Lee ‘O Brian noong Hunyo 2023.

Samantala, Abril 2024 naman nang tuluyang ma-deport si Lee sa Pilipinas ayon sa Bureau of Immigration (BI).

MAKI-BALITA: Pokwang, wagi: Lee O' Brian, na-deport na