October 08, 2024

Home SHOWBIZ

BINI Sheena, tinawag na nanay si Sarah Geronimo

BINI Sheena, tinawag na nanay si Sarah Geronimo
Photo Courtesy: Sheena Catacutan, Sarah Geronimo (IG)

Naaliw ang mga netizen sa caption ng isa sa mga miyembro ng BINI na si Sheena Catacutan nang ibahagi niya ang video clip ni Popstar Royalty Sarah Geronimo.

Sa latest X post ni Sheena nitong Martes, Hulyo 16, matutunghayan ang video clip ni Sarah na kinakanta ang patok nilang awiting “Pantropiko” habang naglalakad kasama ang mister nitong si Matteo Guidicelli.

“My mother,” saad ni Sheena sa caption. 

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang post na ito. Marami kasi talaga ang nakakapansin ng pagkakahawig nina Sarah at Sheena. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Jen Barangan, kinuyog matapos mag-lights on recording sa Olivia Rodrigo concert

"ofc you are the daughter "

"oh i thought you guys are twins (huiiiii!? both eyable naman kase!)"

"SO REAL I LOVE YOU BEBE"

"so real isa ngang tala diyan"

"waiting sarah g x sheena c pantropiko dance cover "

"Sample nga po ng tala kung true na dawter!!!"

"looking forward talaga ako bunso na makacollab nyo si Ms. Sarah. "

Matatandaang kamakailan lang ay ikinumpara si Sarah sa BINI matapos lumutang ang mga larawan ng sikat na P-pop girl group sa airport na mga naka-facemask at halos hindi na makilala.

MAKI-BALITA: Writer, pinikon 'kulto' ng fans: 'Sarah Geronimo is better than BINI in all aspects!'