August 26, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Zeinab, sinubok ang haba ng pasensya ni Ray Parks

Zeinab, sinubok ang haba ng pasensya ni Ray Parks
Photo Courtesy: Screenshots from Alex Gonzaga (YT)

Sinubok ng social media personality na si Zeinab Harake ang mahabang pasensya ng fiance niyang si Bobby Ray Parks, Jr. 

Sa latest vlog kasi ni Alex Gonzaga kamakailan, pinrank niila si Ray para maipakita kung ano ang reaksiyon nito kapag nagalit o nagselos si Zeinab.

Ayon kay Alex: “Ngayon ang gagawin natin ay isang napakahalagang test. Paano ba si Ray Parks kapag nagselos na si Zeinab? 

“Mayro’n tayong kukuning mga babae. Ipa-plant natin kunwari magpapa-picture. Kilala lahat ‘yan ni Zeinab. Napa-approve ko na kay Zeinab [...] para hindi siya mabigla,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Regine, sesemplakin nagsabing hiwalay na sila ni Ogie: 'Maghintay ka d'yan ha!'

Dagdag pa niya: “Lahat ng gagawin ni Zeinab kunwari mapipikon siya. So, kung sakaling makita n’yo man na nagagalit si Zeinab, taandan n’yo script ‘yan.”

At nangyari na nga ang mga dapat mangyari nang pumasok sila sa isang restaurant. Nagsilapitan ang mga kasabwat na babae para magpa-picture. Umakto sila na parang hinaharot nila si Ray na ikinagalit ni Zeinab.

“Pwede ‘wag n’yo nang hawakan si Ray para hindi awkward?” pakiusap ni Zeinab sa mga babae. Pero tuloy pa rin sila hanggang sa nagkusa nang umalis si Ray at kinompronta siya ng fiancee niya.

“Bakit hindi mo man lang sinabihan ano…ako pa ‘yong nagsalita na ‘pwedeng ‘wag nang yakapin?’” sabi ni Zeinab. Humingi naman si Ray ng paumanhin nang ilang ulit.

Samantala, nang magpumilit namang lumapit ang isang kasabwat na babae para magpa-video greet, si Ray na mismo ang nagkusang itaboy ito sa magalang at mahinahong paraan.

"I really don't feel comfortable after everything what happened kasi. I'm sorry," sabi niya sa babae.

Sa huli ay hindi na rin sila nakatiis at ni-reveal na rin nila kay Ray na prank lang ang lahat. Tila wala naman daw inaasahan ang fiance ni Zeinab at umaakto lang siya nang normal. 

KAUGNAY NA BALITA: Kasalang Zeinab-Ray Parks, next year na!