August 24, 2024

Home SHOWBIZ

Rufa Mae sa hirit na maging host ng It's Showtime: 'I regular myself haha'

Rufa Mae sa hirit na maging host ng It's Showtime: 'I regular myself haha'
Photo courtesy: Screenshot from Kapamilya Online Live via @_vcn25 (X)

May nakatutuwang sagot si Kapuso comedienne Rufa Mae Quinto sa isang netizen na humihiling na sana raw ay maging regular host na siya ng "It's Showtime," ang noontime show ng ABS-CBN na umeere sa GMA Network.

Dahil sa blocktime agreement ng dalawa ay malayang nakakapag-guest at nakakapag-promote ng Kapuso shows at events ang Kapuso stars, gaya na lamang ni Peachy (palayaw ni Rufa Mae).

Sa guesting nga ni Rufa Mae nitong Lunes, Hulyo 15, ay maraming nagsasabing bagay na bagay ang humor niya sa kakulitan ng Showtime hosts, lalo na kapag nagsabi na sila ni Unkabogable Star Vice Ganda. Naroon din ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid na nakasama niya noon sa gag show na "Bubble Gang," noong nasa Kapuso Network pa ang mister ni Asia's Songbird Regine Velasquez.

Hirit ng isang netizen, "Sana maregular ka po sa Showtime masaya siguro banters niyo ni Meme Vice. #ShowtimeGowNaGow."

BINI Aiah, pinuri magalang na pakikitungo ng mga tao sa BGC

Niretweet naman ito ni Rufa Mae, "I regular myself haha."

Photo courtesy: Rufa Mae Quinto (X)

Nagpasalamat naman si Rufa Mae matapos siyang mag-trend sa X pati na ang hashtag na #ShowtimeGowNaGow.

Bumisita si Rufa Mae sa nabanggit na noontime show para i-promote ang patok na reality show na "Last One Laughing" o LOL na mapapanood sa Prime Video hosted by Vice Ganda.

Para itong "Pinoy Big Brother" house na pinagsama-sama sa iisang bahay ang mga komedyante, at kung sino ang matawa sa mga joke ay matatanggal na.