August 23, 2024

Home SHOWBIZ

'Kulto' ng ilang AlDub fans, umarangkada na naman

'Kulto' ng ilang AlDub fans, umarangkada na naman
Photo courtesy: via Balita/@twinflame233 (X)

Trending sa X ang "AlDub" dahil sa paggunita ng 9th anniversary ng kanilang mga tagahanga, na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-get over sa impact ng isa sa mga phenomenal loveteam sa kasaysayan ng Philippine television.

Sino nga ba ang hindi kinilig noong 2015 sa biglaang pagtatambal nina Alden Richards at Maine Mendoza o unang sumikat bilang "Yaya Dub" sa Kalyeserye ng noontime show na "Eat Bulaga!" noong nasa GMA Network pa ito? Hulyo kasi nang mangyari ang hindi inaasahang pagma-match sa kanilang dalawa sa pamamagitan ng dual screen. Kitang-kita kasing tila nawala sa kaniyang karakter si Maine bilang Yaya Dub nang biglang mag-flash sa screen ang mukha ng nakangiting si Alden.

Photo courtesy: Screenshot from X via Richard de Leon/Balita

Talagang phenomenal success ang nabanggit na tambalan na nagpataob sa kanilang kalabang noontime show na "It's Showtime," na inamin naman ng isa sa mga host nitong si Vice Ganda.

Sa ngayon ay buwag na ang AlDub dahil sa iba't ibang mga pangyayari, subalit hanggang ngayon, nananatili pa rin ang "AlDub Nation," ang malawakang fan-based club ng team up nina Alden at Maine.

BINI Aiah, pinuri magalang na pakikitungo ng mga tao sa BGC

Nagkaroon pa nga ng kontrobersiya tungkol dito dahil ang ilang may edad nang fans ay tila "pakulto" na raw ang paraan ng paghanga sa kanilang idolo, dahil may pakandila effect pa habang kumakanta-kanta pa, na alay daw nila sa AlDub.

Ilang fans din ang naniniwalang talagang ikinasal ang AlDub at may anak sila, bagay na itinanggi at nilinaw na ng dalawa. Sa katunayan, kasal na nga si Menggay sa mister na aktor-politician na si Arjo Atayde.

MAKI-BALITA: Naging kulto na? Umano’y pagtitipon ng ‘delusional’ Aldub fans para sa ‘Tamang Panahon,’ viral!

MAKI-BALITA: AlDub pakulto na raw; Maine, mas may karapatang kumuda tungkol sa love team

Si Alden naman, nali-link kay Kapamilya Superstar Kathryn Bernardo at abala sa kaniyang mga proyekto sa pelikula, telebisyon, hosting, events, endorsements, at kung anik-anik pa.

Panawagan pa rin ng ilang AlDub fans na "NO TO SOLO PROJECT" sila at hangad na sana raw ay magkaroon ulit ng proyekto sina Alden at Maine. 

MAKI-BALITA: Maine Mendoza, nilinaw sa mga diehard AlDub fans na wala silang anak ni Alden Richards