October 05, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Kris Aquino, kapiling na ang jowang doktor?

Kris Aquino, kapiling na ang jowang doktor?
Photo Courtesy: Screenshot from One PH (YT)

Naitanong ni showbiz columnist Cristy Fermin kung totoo nga ba talagang kasama na ni Queen of All Media Kris Aquino ang jowa niyang doktor sa Amerika.

Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, Hulyo 16, tinalakay nina Cristy at ng co-host niyang si Romel Chika ang naglalabasang item na ito.

“Totoo kaya ito? Bakit naglalabasan nando’n na raw sa Amerika kasama ni Kris Aquino ang mahiwagang doktor?” saad ni Cristy.

Kaya naman, napaisip daw bigla si Romel kung sino raw ang kasama ni Kris sa bahay nito sa Amerika gayong nasa Pilipinas ngayon ang dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby.

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

“Pero mayr’on na siyang ano do’n, e, kasama. Kaya lang, bakit lumulusot ‘yong kuwento na nando’n na raw ‘yong mahiwagang doktor?” sabi pa ng showbiz insider.

Gayunman, hindi makumpirma ni Cristy kung totoo ba ang mga naglalabasang tsika. Nilinaw din niya na kay Kris daw dapat manggaling kung totoo man o hindi ang balita. 

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Kris tungkol dito. 

Matatandaang isiniwalat ni Kris ang tungkol sa bago niyang karelasyon nang sumalang siya sa isang episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz.

MAKI-BALITA: Kris Aquino, may karelasyong doktor sa Pilipinas