September 16, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

BINI, gawin daw example si Sarah Geronimo pagdating sa kasikatan

BINI, gawin daw example si Sarah Geronimo pagdating sa kasikatan
Photo courtesy: Tio Moreno (FB)

Viral ang Facebook post ng writer na si "Tio Moreno" matapos niyang magbigay ng reaksiyon sa kina Popstar Royalty Sarah Geronimo at all-female Pinoy pop group na BINI, pagdating sa pag-handle ng kanilang tinatamasang kasikatan. 

Ayon kay Moreno, matagal na sa industriya si Sarah at pinatunayan na niya ang kaniyang sarili bilang isang multi-talentedt artist, na kayang-kaya niya ang iba't ibang talento gaya ng pagkanta, pagsayaw, pag-arte, at iba pa at nag-eexcel pa siya. 

Ngunit kahit kailan daw, hindi naging "Disney Princess" si Sarah pagdating sa kasikatan niya, lalo na kung nasa airport o naimbitahang guest sa isang event.

Kalakip ng post ang kuhang larawan ni Sarah sa airport kasama ang mister na si Matteo Guidicelli at ilan pang katao, na nakasuot lamang ng itim na eyewear.

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

Sa pangalawang larawan naman, makikita ang ilang miyembro ng BINI na naka-cover na halos ang buong mukha dahil sa suot na itim na mask, nakasuot ng sumbrero, at malaking headset.

Giit ni Moreno, sana raw ay gawing halimbawa ng BINI ang humility ni Sarah. Matatandaang kamakailan lamang ay naging isyu ang pakiusap ng BINI members na igalang ang kanilang privacy at personal space dahil sa pagdumog sa kanila ng fans kahit kasama ang kanilang mga pamilya sa isang private event o gathering.

"Sarah Geronimo has been in the music and entertainment industry for over two decades, and her fame remains undiminished. She can dance, sing, act, and model, showcasing her multi-talented and record-breaking abilities."

"Sara continues to meet the expectations of her supporters and fans with her humility. She never acts like a 'disney princess,' whether at the airport or as a guest at events. Her humility sets her apart from others."

"I hope BINI will follow her example," dagdag pa niya.

Tio Moreno - Sarah Geronimo has been in the music and... | Facebook

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 34k reactions, 15k shares, at 7.4k comments ang nabanggit na post niya. Bagama't marami ang sumang-ayon sa kaniyang mga sinabi, marami ring "Blooms" o tagahanga ng BINI ang nambash sa kaniya.

Dahil dito, nagpakawala ng mga post si Moreno para ipaliwanag kung bakit maituturing na "public figure" ang BINI kaya nararapat lamang na maging open sila sa mga kritisismo mula sa mga netizen na gaya niya.

Tio Moreno - THIS IS GONNA BE THE LAST TIME I AM GOING TO ADDRESS... | Facebook

Inilatag din niya sa isa pang hiwalay na post ang maraming accomplishment ni Sarah, pagdating sa musika at pag-arte.

Tio Moreno - Sarah Geronimo is one of the most admired Filipino... | Facebook

Sa isa pang post, ipinakita ni Moreno ang mga larawan ng sikat na all-female Korean pop group na Blackpink kung saan makikitang wala silang suot na mask na halos tumakip na sa kanilang mukha. 

Tio Moreno - BLACKPINK in the airport. Sana all! | Facebook

At para mas "pikunin" daw ang mga "kulto" ng all-female group, hayagan niyang sinabi sa isa pang post na mas magaling si Sarah kaysa sa BINI sa lahat ng aspeto.

"Watch me trigger a CULT: SARAH GERONIMO is better than BINI in all aspects," aniya pa.

Tio Moreno - Watch me trigger a CULT: SARAH GERONIMO is better... | Facebook

Dahil dito, trending ang pangalan ng writer sa X, as of 3:51PM. 

Photo courtesy: Screenshot from X via Richard de Leon/Balita

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Sarah Geronimo at ng BINI tungkol sa isyung ito.