August 23, 2024

Home BALITA Probinsya

30-anyos transwoman, pinatay ng nobyo

30-anyos transwoman, pinatay ng nobyo
file photo

Patay ang 30-anyos na transwoman matapos umano'y martilyuhin sa ulo ng kaniyang nobyo noong Linggo ng hapon.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, natagpuang patay sa loob ng kaniyang kwarto si Kent Lubaton, residente ng Bago Aplaya, Davao City.

Ayon sa saksi na kapitbahay ng biktima, nag-iinuman si Lubaton at nobyo nito no'ng Sabado ng gabi. 

Kinabukasan daw ay napansin nito na umalis ang nobyo ng biktima ng bahay. Wala raw itong narinig na alitan sa pagitan ng dalawa.

Probinsya

Caption ng Antipolo mayor sa post tungkol sa car accident, umani ng reaksiyon

Dagdag ng ulat, batay sa imbestigasyon ng Davao City police, minartilyo sa ulo ang biktima na naging sanhi ng pagkamatay nito. 

Anila pa, selos umano ang motibo sa krimen.

Samantala, nahuli naman ang suspek sa Malalag, Davao del Sur at mahaharap sa kasong pagpatay.