August 26, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Willie, nadulas na may anak na sina Coco at Julia?

Willie, nadulas na may anak na sina Coco at Julia?
Photo courtesy: Screenshot from Wil-Come Back Party (TV5)/via MB/Balita

Usap-usapan ang naging pahayag ni "Wil To Win" host Willie Revillame patungkol sa iniintrigang mag-jowang sina Coco Martin at Julia Montes, matapos niyang pasalamatan si Coco sa video message nito para sa kaniya, para sa muling pagbabalik-telebisyon.

Pinasalamatan ni Willie sina Coco, Julia, at mga anak nito dahil sa pagbati ng una sa kaniya. Kahapon ng Linggo, Hulyo 14, nagkaroon ng "Wil-Come Back Party" si Willie sa TV5 at isa sa mga nagbigay ng mensahe para sa kaniya ang Primetime King ng ABS-CBN, na umeere din sa TV5.

"Thank you very much Tanggol! Uy thank you, ha, Coco, [sa] pagbati mo. I like your bangs, ha... Coco salamat ha, sobrang bait nitong si Coco Martin. Coco Julia, at sa mga anak n'yo, pamilya mo, salamat, Coco..." ani Willie. 

Biro pa ni Willie, sana raw ay makapag-guest siya sa actin-drama series ni Coco na Batang Quiapo. 

Relasyon at Hiwalayan

Regine, sesemplakin nagsabing hiwalay na sila ni Ogie: 'Maghintay ka d'yan ha!'

Matatandaang hindi pa inaamin o kinukumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon, lalo na ang pagkakaroon umano ng tatlong anak, ayon na rin sa ispluk ni showbiz insider Cristy Fermin.

"Maglalakas-loob na po kaming magbigay ng ilang detalye tungkol sa kanilang relasyon pero sa positibong paraan ito," ani Cristy sa isa sa mga episode ng "Showbiz Now Na" noong Nobyembre 2023.

"Totoo po na meron na silang anak, si Coco at si Julia, apat na taong gulang na po ang batang babae na panganay nila. Bakit ko po sinabing panganay? May kasunod na po ang bata. Magdadalawang taon naman po at lalaki. Ang pangalan ng panganay nila ay Matilda, ang batang pong ito, ang pangalan ay isinunod sa nagpalaking lola kay Coco."

MAKI-BALITA: Lantaran na kasi: Mga anak nina Coco at Julia, pinangalanan ni Cristy

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Coco at Julia patungkol dito.