December 23, 2024

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Rosmar, minalas nang dumikit kay Rendon?

Rosmar, minalas nang dumikit kay Rendon?
Photo Courtesy: Screenshot from Ogie Diaz (YT)

Ibinahagi ni Rosmar Tan ang mga natanggap niyang komento mula sa mga tao simula nang mapalapit siya sa kapuwa social media personality na si Rendon Labador.

Sa latest episode ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz kamakailan, sinabi ni Rosmar ang dahilan kung bakit hindi pa rin sila lumalayo nang asawa niya kay Rendon kahit binabatikos siya ng mga tao.

“Kahit ang nangyayari, naba-bash ako, naaapektuhan ‘yong brand ko, naba-bash ako ng tao. ‘Ba’t ka kasi dumikit diyan? Dapat ‘di ka dumikit diyan. Okay ka naman no’ng wala ‘yan, e.’ Puro gano’n po ‘yong nababasa ko,” kuwento ni Rosmar.

“Pero kaming mag-asawa, pinag-uusapan namin. Sabi nga sa akin ng asawa ko: ‘mabait naman si Kuya Rendon kasi tayo ‘yong totoong nakakakilala, e. Parang ako lang din po kasi ‘yan, e. Mapang-asar pero deep inside ‘pag tiningnan mo ‘yong puso, mabait na tao,” wika niya. 

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

Dagdag pa niya: “Grabe, lahat pala ng kabutihan ko na ginawa ko sa kapuwa ko, lahat ng kabutihan na ginawa ko sa mga brands na parang di ako naniningil. Wala akong sinisingil. Pino-promote ko sila, mga small business…No’ng time na naba-bash [ako], iilan po ‘yong nagre-reach out; iilan ‘yong parang nagko-comfort.”

Kaya naman napagtanto ni Rosmar na sa mga panahong lubog na lubog siya dahil sa mga pambabatikos, natukoy niya kung sino ang mga totoo sa hindi.

Matatandaang idineklarang persona non-grata sina Rendon sa buong Palawan matapos mangyari ang mainitang komprontasyon sa isang babaeng kawani sa munisipyo ng Coron.

MAKI-BALITA: Rendon, Rosmar idineklarang persona non grata sa buong Palawan

Gayunman, sinabi ni Rendon sa parehong panayam na hindi raw niya pinagsisihan ang kung anomang nagawa niya sa naturang probinsiya.

MAKI-BALITA: Rendon, walang pinagsisihan matapos ideklarang persona non grata