August 23, 2024

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Pagtawag ng 'Mahal' sa jowa, may sumpa raw

Pagtawag ng 'Mahal' sa jowa, may sumpa raw
Photo courtesy: Maris Racal (IG)/Akari (FB) via Senyora (FB)

Matapos ang emosyunal na pag-amin ni Kapamilya actress Maris Racal na hiwalay na sila ni Rivermaya lead vocalist Rico Blanco, usap-usapan ang isang meme na pinag-iingat ang mga magjojowa sa pagtawag ng 'Mahal.'

Sa Facebook page ng isang blogger, makikita ang compilation ng screenshots ng celebrity couple na naghiwalay na, at ang tawagan ay "Mahal."

"Isa na naman po ang nabiktima ng 'mahal,'" mababasa sa caption ng blogger na si "Akari."

Makikitang bukod kina Maris at Rico, ang iba pang celebrity couple na "Mahal" din ang tawagan noon ay sina Paolo Contis at LJ Reyes, at Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Relasyon at Hiwalayan

'It's so sad!' Mag-asawang Ogie at Regine, maghihiwalay na?

(2) Akari 永 - Isa na naman po ang nabiktima ng “mahal” ‎ | Facebook

Ibinahagi rin ito ng sikat na social media personality na si "Senyora."

"Haay may sumpa talaga yang 'Mahal,'" caption naman dito ni Senyora.

Senyora - Haay may sumpa talaga yang “Mahal” | Facebook

Pandodogshow naman dito ng mga netizen:

"Buti na lang babe tawagan namin ni ano. Kaya safe."

"Uy safe kami, Mhine kasi tawagan namin hahaha."

"So mas okay pala ang bhe hahaha."

"Pass na ko sa mahal"

Sa ginanap na press conference nitong Biyernes, Hulyo 12, sinabi ni Maris na hindi raw niya alam kung anong nangyari sa kaniya gayong sa loob ng ilang taong pagsasama ay pareho lang naman daw sila ni Rico na nasa iisang “pahina.”

Giit pa ni Maris, may mga isyu siya sa kaniyang sarili kaya wala raw third party o ginawa laban sa kaniya si Rico.

MAKI-BALITA: Rico Blanco, Maris Racal hiwalay na!

MAKI-BALITA: Ugat ng hiwalayan: Maris Racal, nakakita ng bagong perspective sa buhay?

Nilinaw rin ni Maris na walang kinalaman sa break-up ang kaniyang on-screen partner na si Anthony Jennings. Matatandaang pumatok ang kanilang unexpected love team na "SnoRene/MaThon" matapos ang kinabilangang seryeng "Can't Buy Me Love."

MAKI-BALITA: Anthony Jennings, walang kinalaman sa hiwalayang Rico-Maris